Ian Veneracion Ibinunyag Ang Dahilan Kung Bakit Panatag Ang Kanyang Asawa Na Hindi Siya Magloloko

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa actor na si Ian Veneracion. Isa sa mga actor na may pinaka gwapong mukha at matipunong katawan na kinakikiligan at hinahangaan ng marami niyang mga tagahanga.

Image Credit via Google




Bata pa lamang si Ian ng siya ay magsimula sa showbiz at tahakin ang mundo ng pag-aartista, at dahil angkin ang mga talento ng isang magaling na aktor ay naging laman si Ian ng telebisyon. Nagpatuloy ang magandang karera ni Ian, ngunit bigla na lamang siya naglaho sa telebisyon at nagpahinga sa paggawa ng mga pelikula.

Image Credit via Google

Sa kanyang naging pagbabalik ay naging mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng ating mga manonood lalo’t higit ang kanyang mga tagahanga noon at marami sa kanila ang pumuri sa aktor dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin kumupas ang angking kakisigan at kagwapuhan nito. Kabila-kabila rin ang naging proyekto ni Ian sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.

Image Credit via Google

Sa mga proyekto at pelikula na ginawa ni Ian Veneracion ay hindi maiiwasan na makaperaha siya sa mga magagandang babae sa industriya. Ilan nga sa kanyang mga nagging kapareha ay mga sikat na artista sa showbiz na nag gagandahan at nagsesexihan.

Image Credit via Google

Ngunit ayon kay Ian kahit pa nagkaroon siya ng mga maiinit na eksena sa kanyang mga nagiging kapareha, kahit kailan naman umano ay hindi sumagi sa kanyang isipan na lokohin at pagtaksilan ang kanyan asawang si Pam Gallardo.

Image Credit via Google

Si Pam Gallardo at Ian Veneracion ay nasa 23-taon ng kasal sa isa’t isa, at ayon sa aktor ay hindi selosa si Pam kaya’t lubos ang paghanga niya rito. “Hindi siya selosa ever since. At kung nagseselos man, hindi niya ipinakita sa akin. She’s too proud na ipakita sa akin and I love her for that.”

Image Credit via Google

Hindi rin itinanggi ni Ian na napakaraming temptation ng tukso sa showbiz, ngunit ayon sa aktor ay sanay na sanay na siya sa presensya ng mga kababaihan . “So far, ok pa naman ako. Pero ofcourse, I’ve been working on it. Eh tao rin naman tayo. So far okay pa naman ako…okay pa..still in good place.” Ayon sa aktor.

Sinabi rin ni Ian na wala siyang budget upang magkaroon ng kabit, dahil ang kanyang pera ay binigay niya sa kanyang asawa dahil mas gusto niya na ito ang humahawak noon.
“Wala akong budget ng kabit. Saka sa akin, mas gusto ko she manages my finances.

Kasi kung hindi ko iyan paikutin, wala, parang baldeng butas yun. Hindi ako businessman, it’s her business. I’m happy. She’s really good on it.” Ayon din kay Ian ay may construction business silang mag-asawa na kung saan ay si Pam ang nagmamanage nito.




Ibinahagi rin ni Ian sa isa sa mga nagging panayam sa kanya na kahit siya ay 22-taon lamang noong siya ay magpakasal sa kanyang asawa na si Pam ay hindi niya pinagsisihan ito, ito pa nga daw ang pinaka tamang desisyon na kanyang ginawa sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *