Ibinahagi ng Aktres Na Si Kaye Abad Ang Unang Minahal At Naging Boyfriend Sa Showbiz

Ibinahagi ng aktres na si Kaye Abad, na ang kanyang “First love” at naging “First boyfriend” ay ang kanyang Tabing-Ilog co-star noon na si John Lloyd Cruz.




Sa naging panayam kay Kaye Abad sa “Tonight With Boy Abunda”, ay ibiniunyag nga nito na hindi lang niya basta first boyfriend ang kanyang co-star noon sa Tabing Ilog na si John Lloyd Cruz, sapagkat ito rin ay ang kanyang first love.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Inamin rin ng aktres sa nasabing panayam, na ang personalidad ng aktor ang talagang nakakuha ng kanyang atensyon, kaya’t ito ay kanyang nagustuhan.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

“Nagustuhan ko ‘yung personality niya and he was my first boyfriend. First love”, saad ng ani Kaye sa naging panayam sa kanya ni Tito Boy. Ang magandang pagtitinginan at relasyon nina Kaye Abad at John Lloyd Cruz, ay nabuo ng sila ay magsama sa barkada serye noon na “Tabing-Ilog” ng ABS-CBN.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Ayon pa nga sa aktres, sa relasyon nila noon ni John Lloyd ay wala pang sasakyan ang aktor, kaya kahit na may kalayuan ang probinsiya niya, at siya ang may sasakyan ay dinadaanan niya si john Lloyd kapag silang dalawa ay pupunta na sa set ng ‘Tabing-Ilog’.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Ibinahagi rin ni Kaye, na kahit pareho silang naninirahan ngayon ni John Lloyd sa Cebu, ay hindi pa umano nagku-krus ang kanilang landas roon.

Photo Credit: kaye_abad/Instagram

Dagdag pa nga ng aktres, na noon pa man ng si John Lloyd ay nagsisimula pa lamang na mamukadkad ang karera sa showbiz, ay nakita na niya na sa dating nobyo, ang potensyal na ito ay magiging isang mahusay na aktor ng kanilang henerasyon.

Nagbiro naman si Kaye Abad, na dahil sa potensyal na ito ng aktor, ay nasabi niya sa kanyang sarili, na kapag ito ay sumikat, ay iiwan rin siya nito.

“So nakita ko na sisikat ‘to, iiwan ako nito, magla-love team ‘to ng iba”, biro nga ng aktres.
At dito na nga rin nabanggit ni Kaye, na hindi siya nakamali, dahil biglang Bea Alonzo na ang ka-love team ni John Lloyd, at pabiro pa nga nitong sinabi na “nalegwak ako, mestiza kasi e”, kasabay ang halakhak.

Kwento pa nga ni Kaye, mayroon pang nagtanong sa kanya noon, kung bakit hindi siya kinuha na mamging “godmother” ng anak ni John Lloyd at Ellen Adarna na si baby Elias, at sinabi lamang nito na “siguro dahil alam nila na kuripot ako.”




Nang tanungin naman siya ni Tito Boy, kung bukas siya sa pagkakaroon ng Tabing-Ilog reunion ay agad nitong sinabi na, nakaka-excite nga kung magkakaroon ng reunion ang kanilang barkada serye.

Ang Tabing-Ilog, ay isang barkada serye na inere noon ng ABS-CBN, kung saan ilan sa mga napabilang na mga teen actress at actor noon, ay sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Baron Geisler, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree Del Valle, Patrick Garcia, Paula Peralejo, at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *