Ibinahagi Ng Magkapatid Na Kobe At Andrei Paras Ang Kanilang Sekreto Sa Pagpapanatili Ng Kanilang Magandang Samahan Kahit Sila Ay Malayo Sa Isa’t Isa

Si Andrei at Kobe Paras, ay ang dalawang anak ng dating basketball player na si Benjie Paras na kilala rin sa pagiging isang komedyante. Ang dalawang magkapatid, ay laging nag-aaway noong sila ay mga bata pa. si Andrei ay dalawang taon ang tanda sa kanyang nakababatang kapatid na si Kobe.

Image Credit Via Google




Ayon kay Andrei, lagi silang nag-aasaran, nag-aaway, nagkukulitan at pikunan ng kanyang kapatid na si Kobe, na tipikal naman na ginagawa ng magkakapatid. Ayon pa sa isang interview ng YES! magazine kay Andrei, isa sa mga talagang pinag awayan nilang magkapatid ay ang paglalaro ng Playstation 2 (PS2), isang video game console na usong-usong laruin ng mga lalaking kabataan.

Image Credit Via Google

Ngayon nga na silang dalawa ay malalaki na at mga binata na, ayon kay Andrei ay hindi pa rin nawawala sa kanilang dalawa ang magkulitan at mag-asaran.

Image Credit Via Google

“But it’s not that like to the point nan a iiyak or magsusumbong ,” “It’s for fun lang, and at the same time , I guess , it’s a way of testing the bond we have.” ang naging pahayag ni Andrei habang ikinukwento ang pagiging magkapatid nilang dalawa ni Kobe.

Image Credit Via Google

Ngayon nga ay ganap ng mga binata sina Andre at Kobe Paras, si Andrei ay 22-taon na noong November 1, at si Kobe naman ay 20-taon na noong September 19.

Sa naging interview naman ng YES! Magazine kay Kobe ay sinabi nito na hindi niya tinatawag na “Kua” ang kanyang nakatatandang kapatid na si Andrei, at dumating din umano sila ng punto na magkagalit talaga silang dalawa pero ngayon naman daw ay super close nilang dalawa ni Andrei.

Image Credit Via Google

Para rin kay Kobe si Andrei ang kanyang “bestman”, na kung siya man ay darating na sa point ng buhay niya na siya’y ikakasal ang kanyang nakatatandang kapatid ang magiging best man niya at tatayo sa kanyang tabi sa araw na iyon.

Image Credit Via Google

“He’s my best man, so if I’m gonna get married tomorrow, he’d be the guy beside me, yeah!”. Ang naging pahayag ni Kobe sa kanyang interview.

Nagkahiwalay ang magkapatid na Kobe at Andrei ng si Kobe ay 15-years old pa lamang ay pumunta sa Los Angeles, California upang doon ay mag-aral sa Cathedral High School kung saan naglalaro rin ito ng basketball sa team ng nasabing paaralan.

Image Credit Via Google

Ng mga panahong iyon ayon kay Andrei ay totoong nalungkot siya at umiyak talaga siya. Ayon din kay Andrei sa kanilang dalawang magkapatid ay si Kobe ang laging nagbibigay sa kanya ng mga salitang mas nagpapatibay pa ng kanyang loob.

Hindi rin umano niya makakalimutan ang mga unang buwan na kung saan ay wala na sa kanilang tahanan si Kobe, at nasa ibang bansa na ito.
“It was weird, because no one teasing me.”ang saad ni Andrei.

Wala nga daw nangungulit sa kanya, walang nagyaya ng kumain at lumabas tuwing hating gabi, mga ginagawa ni Kobe noong magkasama pa sila na talagang namiss niya noong nasa USA ito at nag-aaral.

Noon naisip ni Andrei na muling maglaro ng basketball ay agad siyang tumawag sa kanyang kapatid upang hingiin ang advice nito, ganun din ng kanyang ama. Si Kobe nga ang nagpush sa kanya na muling humawak ng bola, at ngayon ay naglalaro ng muli si Andrei ng basketball.

Magkaiba man ang kanilang positions sa basketball, ay masaya si Andrei sa mga achievements ng kapatid niyang si Kobe. Proud siya sa kanyang kapatid, dahil ang mga pangarap nito na maging isang magaling na basketbolista ay unti-unti nitong binubuo at tinutupad, hindi dahil sa apelyido nitong Paras kundi dahil sa angkin nitong galing sa paglalaro ng basketball.




Hindi nga mapapantayan ngayon ang pagiging malapit ng magkapatid na Kobe at Andrei, dahil silang dalawa ay patuloy ang pagbibigay ng suporta sa isa’t isa, magkalayo man sila o magkasama hindi naman nawawala ang kanilang komunikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *