Ibinahagi ni Angel Locsin Ang Kwento Kung Paano Siya Na-discover At Nagsimula Bilang Artista

Marami sa ating mga iniidolong artista ay may mga nakakatawang kwento kung paano sila nagsimula sa pagiging artista. Nakakatawang balikan ang mga ganitong alaala dahil ginagawa nating maikukumpara ang mga bagay-bagay mula sa dating panahon sa kasalukuyan. Makikita rin sa kanilang mga mata at sa tono ng kanilang pananalita kung paano sila nakaahon sa buhay. May mga artista kasing pinanganak ng mayroong mga kamera na nakapaligid sa kanila at mayroon namang nadiskubre sa mga gilid ng kalsada o sa kung saan.




Katulad na lamang ni Angel Locsin. Sa kaniyang nakaraang panayam sa Magandang Buhay na programa ng ABS-CBN, pinakiusapan siya ni Melai na kwento at balikan ang paraan kung paano siya nadiskubre bilang isang artista.

Pahayag ni Angel, naggo-grocery raw siya sa isang mall kasama ang kanyang bestfriend. May nakita raw siyang lalaking nakapila sa lotto. Bigla raw lumapit ang lalaking ito sa kaniya dahilan para matakot siya. Dahil sa kanyang takot, tumakbo si Angel papalayo sa lalaki ngunit biglang napunit ang plastic bag na bitbit niya sa pag-gogrocery kung kaya’t nagkaroon ng pagkakataong mahabol siya ng lalaki. Sa pag-aakala na kukunin siya ng lalaki, binigyan lamang siya nito ng isang calling card.

Iyon pala, gusto lang pala siyang kunin ng lalaki para maging modelo sa mga commercials. Tinanong siya ng lalaki kung gusto niyang mag commercial. Sa kagustuhang makatulong sa kanyang pamilya, kinuha niya agad ang oportunidad. Dali-dali niya namang tinanong kung magkano agad ang bayad, sabay tawa.

Binahagi niya rin gaano kahirap ang kaniyang naging simulain. Palagi pa raw siya noong nagcocommute ang sinusuong ang hirap ng pagbiyahe para lamang makatulong sa pamilya. Ayon din sa kanya, wala raw sa isip niya ang ideyang lalabas siya sa telebisyon kundi laging nakatatak sa kanyang isipan ay ang kaniyang kikitain lalo pa’t nasa murang edad pa lamang siya noong mga panahong iyon.

Kinuwento na rin ni Angel kung paano nagalit ang kanyang ama sa kanyang pag-aartista. Nabigyan kasi siya ng pagkakataong makapasok sa workshop, ngunit isa sa mga batas ng workshop ay hindi mo pwedeng sabihin ang mga nagaganap sa loob ng workshop. Dito raw nagalit ang kanyang ama dahil bakit daw ang sikreto ang kanyang anak.
Pero kahit na ganon, kasalukuyang namamayagpag si Angel bilang isa sa mga primyadong artista sa panahon ngayon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *