Ibinida Ni Yeng Constantino Sa Publiko Ang Double Deck Bed Na Kanyang Ginawa Para Sa Mga Minamahal Niyang Alagang Pusa

Maliban nga sa paghahalaman ay marami na rin ngayon sa atin ang nahihilig sa pag-aalaga ng mga hayop, na itinuturing pa nga ng ilan sa atin na kapamilya nila ito. Kadalasan na inaalagaan ng marami sa atin sa loob ng ating mga tahanan ay ang mga aso at pusa, na talaga namang malalambing ang mga ito tulad ng mga tao, kaya naman kay sarap din na sila’y alagaan at asikasuhin.




Karamihan pa nga sa mga pet lovers ngayon o kung tawagin na rin natin ay mga ‘fur parents’, ay itinuturing ng mga anak o miyembro ng pamilya ang kanilang mga alagang aso o pusa, na minamahal din nila ng husto.

Image Credit via YouTube

At kabilang na nga sa mga fur parents ngayon, ay ang singer-songwriter na si Yeng Constantino, na talaga namang napaka-responsableng pet lover at fur parents sa kanyang mga alaga. Itinuturing na nga umano nila ng asawa niyang si Yan Asuncion na mga anak, ang kanilang mga alagang pusa.

Image Credit via YouTube

Kagaya nga ng isang sanggol, ay ibinibigay din nina Yeng at ng kanyang asawa, sa kanilang mga fur babies, ang mga pangangailangan ng mga ito. Katulad na nga lamang ng isang komportableng lugar kung saan sila ay makakapahinga ng maayos, bukod pa dito ay mababantayan pa nila ito.

Image Credit via YouTube

Nito nga lamang nakaraan, ay ibinida ni Yeng ang ginawa nilang double deck bed, para sa kanilang mga babies na pusa, kung saan sa kanya ng ang ibinahagi na video ay pinakita niya ang ilan sa mga detalye kung ano ang mga kinakailangan upang magawa ito.

Image Credit via YouTube

Makikita nga sa naturang video, ang pagsusukat, pagbili ng materyales hanggang sa naging pag-gawa at pagbuo na nga ng naturang double deck bed.

Image Credit via YouTube

Habang ginagawa pa nga ang double deck bed, ay hindi sinasadya ni Yeng na mapukpok ang sariling kamay, kaya panandalian itong tumigil, ngunit kalaunan rin nga ituloy muli nito ang pagtulong sa pag-gawa ng hihigaan ng kanyang mga fur babies.

Image Credit via YouTube

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang video na ito ni Yeng, lalo pa’t nakyutan sila sa ginawa nitong double deck para sa kanyang mga alaga, kung saan ay makikikita nga na mas magiging komportable ang mga fur babies nila.

Image Credit via YouTube

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;
“Ako lang ba ang nakapansin na PARANG NAKA EDIT YUNG BACKGROUND NILA? grabiiii ang ganda ng mga designs ng bahay ni Ms Y ”v“Fav. Part; Yung tawanan nila habang sinusulat ang babies nila. ”

Video Credit: Yeng Constantino/YouTube

“Paulit ulit ko yung sa party ni Remus at Romulus HAHAHA sabay yung pag ikot eh.”
“Wow so happy to watch your vlog again,Miss Yeng! [red heart emoji] keep uploading more vlogs. Millions of your followers are waiting … [red heart emoji]”




“Ako lang ba yung nireply yung may panguso sa dulo ng vlog bago matulog or pagkagising? Haysss miss ka naming sobra ateeee love youuuu [red heart emoji].”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *