Idol Raffy Tulfo Binebenta Ang Ibang Mga Koleksyon Ng Sapatos At Damit Para Sa Charity

Si idol Raffy Tulfo ay isa sa mga personalidad ngayon na talaga namang kilala at popular sa publiko, ito ay dahil sa kanyang mga katangian na pagiging isang matapang, matulungin,matikas at may alam sa batas na siya ngang ginagamit niya upang makatulong sa mga kababayan niyang nangangailangan.




Batid nga natin na sa ilang taon ng pagbibigay serbisyo ni Raffy Tulfo bilang isang mamahayag, ay marami na rin siyang napatunayan sa publiko. Maliban pa dito ay marami na rin siyang mga kababayang Pilipino na natulungan, kaya naman talagang hindi na nakapagtataka kung bakit napakarami ang umiidolo at humahanga sa kanya.

Image Credit via YouTube

Samantala, maliban sa pagiging isang abalang mamahayag, isa rin sa pinagkaka-abalahan ni idol Raffy ay ang kanyang mga vlogs sa kanyang sariling YouTube channel, kung saan ito nga ay mayroon ng halos 19-milyong mga subscribers.

Image Credit via YouTube

Maliban pa nga sa mga ito, ay nakilala rin natin si Idol Raffy bilang isa sa mga personalidad na mahilig sa pangongolekta ng mga de-kalidad at magagandang mga sapatos at damit na kadalasan nga niyang ginagamit o isinusuot sa kanyang set.

Image Credit via YouTube

Ayon kay idol Raffy, lumaki umano siya na wala siyang sariling damit, kung saan karamihan sa mga ginagamit niyang kasuotan ay mga bigay lamang ng mga kamag-anak nila o di kaya naman ay pinagliitan na ng kanyang nakatatandang kapatid.

Image Credit via YouTube

Dagdag pa niya, dahil nga sa madalas siyang magpaliit ng mga damit noon, ay naging suki na siya ng patahian. Kwento pa niya, kahit noong nanliligaw na siya sa kanyang asawa na ngayon na si Cong. Jocelyn Pua-Tulfo ay hinihiram lamang niya ang kanyang mga ginagamit tulad ng sapatos, pantalon , damit at maging relo sa kanyang Kuya Ben.

Image Credit via YouTube

Nguningayon, ay talaga namang masasabi natin na doble-dobleng pagpapala ang natanggap ni idol Raffy sa kanyang buhay, dahil sa kanyang pagkakaroon ng mabuting personalidad at ginagawang pagtulong sa kanyang kapwa.

Image Credit via YouTube

Mula nga sa mga minamana lamang niyang damit noon, ay nabibili na ngayon ni Idol Raffy ang mga kasuotan na gusto niya, at hindi lang ito mga basta-basta dahil mamahalin ang mga ito. Nagawa na rin niyang mangoleksyon ng mga mamahaling sapatos at damit.

Image Credit via YouTube

Kamakailan nga lamang sa vlog ni idol Raffy, ay kanyang ipinakita ang isang kwarto na puno ng mga iba’t ibang mamahaling sapatos, kung saan ayon sa kanya ang iba sa mga ito ay hindi pa niya nasusuot. At dahil nga madalas na pagbibigay ng regalo sa kanya ng kanyang mahal na asawa, ay mas lalo pa ngang dumarami ang mga ito.

Image Credit via YouTube

Maliban pa nga rito, ay ipinakita rin niya ang isa pang hiwalay na kwarto kung saan naman makikita ang kanyang mga Amerikana, long-sleeves, at kurbata na siya ngang gamit niya sa pagiging isang mamamahayag.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi naman ni idol Raffy, na bawat kanyang kagamitan ay may kanya-kanyang kuwento, kung saan ang iba umano sa mga ito ay itinuturing niya na kanyang ‘lucky charm’, dahil kapag suot niya ang mga itom ay bumubuhos ang biyayang kanyang natatanggap.




Sa kabila naman nito, ay ipinahayag ni idol Raffy na handa na niyang ibenta ang ilan sa kanyang mga koleksyon, ito ay upang makalikom pa ng maari niyang itulong sa mga nangangailangan nating kababayan.

Video Credit: Raffy Tulfo/YouTube

Makikita naman ang lahat ng detalye patungkol sa pagbebenta ni idol Raffy ng kanyang ibang kagamitan ng publiko, kapag binisita ng mga ito ang sariling niya e-commerce site na ‘Idol Shopping Network.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *