Kilala Niyo Pa Ba Si Ate Glow Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon Sa Ibang Bansa

Si Rene Boy Facunla ay nakilala ng publiko bilang si ate Glow na ini-impersonate o ginagaya ang kilos at pananalita ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.

Image Credit via Google




Ang pamilya nina Rene ay binubuo ng anim na miyembro, ang kanyang ina, ama at silang apat na magkakapatid at siya ang bunso sa mga ito. Ayon sa kanya 3-taong gulang pa lamang siya ay nakita at napansin na sa kanya ang totoong estado ng kanyang kasarian at ito ay ang hindi niya pagiging isang tuwid na lalaki.

Image Credit via Google

Magkaganoon man ay hindi naman ito naging problema sa kanyang mga magulang kahit pa nga ang kanyang ama ay isang police, tinanggap ng mga ito ang kanyang buong pagkatao.

Image Credit via Google

Ayon pa nga kay Ate Glow kahit na tinatawag o itinuturing na siya noon na babae na kanyang ama ay hindi naman siya yung tipikal na binabae noon na naglalaro ng mga manika dahil mas enjoy niya pa rin umano noon ang maglaro ng mga larong panlalaki katulad ng tumbang preso at luksong baka.

Image Credit via Google

Nagtapos ng kanyang pag-aaral sa University of Philippines si ate Glow, ngunit ayon sa kanya noong elementary at highschool siya ay talagang malambot na siya at madaldal. Kahit pa nga madaldal ay hindi naman nawawala sa honor si Ate Glow at lagi pa siya active participant sa mga extracurricular sa kanilang paaralan.

Image Credit via Google

Sa UP SAMASKOM na parte ng Live A1ds noong taong 2003 unang nakita ang galing ni ate Glow sa pag impersonate niya sa Presidente noon ng ating bansa na si Gloria Macapagal Arroyo. Isa din siya sa mga pinangalanan ng presidente noong mga panahong iyon na isa sa mga ambassador laban sa mga ipinagbabawal na gamot.

Image Credit via Google

Dahil may angking katalinuhan ay gustong-gusto ni G.M.A si ate Glow, ngunit ang pag-iimpersonate ni ate Glow sa dating presidente ay natapos nang matapos din ang termino bito bilang pangulo ng ating bansa.

Image Credit via Google

Ngayon nga ay kasal na si ate Glow sa isang British National na nakilala at naging kaibigan niya sa London. Sila ay ikinasal noong July 2, 2016 sa Registry Office of Chelsea at bago pa nga ikinasal ay alam na umano ng British man ang totoong kasarian ni ate Glow.




Matatandaan naman n bago pa man maging kasal si ate Glow ay dalawang beses na rin siya nagkaroon ng mga seryosong relasyon at ito ay sa isang Filipino at isang Irish National.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *