Ilang Artista Na Mas Nais Magbakasyon At Namnamin Ang Buhay sa Probinsya

Ilan sa ating mga kilalang artista, ang nais pa ring balik-balikan at namnamin ang buhay na kinalakihan nila sa kanilang probinsya na malayong-malayo sa kinang ng mga camera lalo pa kung nais nila makapagrelax at makapagpahinga sa dami ng kanilang ginagawa at trabaho bilang isang celebrity.

Photo Credit:mrandmrsfrancisco/Instagram




Ejay Falcon, para kay EJ sa sampung taon na lumipas naging tradition na niya ang umuwi sa kanilang probinsya sa Bakawan, Pala, Oriental Mindoro sa tuwing matatapos ang tao upang makapag bakasyon at mabisita ang kanyang mga kababayan.

Photo Credit:ejaythefalcon/Instagram

Sa tuwing siya ay umuwi ay talagang naghahanda siya ng munting mga regalo at pasalubong na ipinamahagi niya sa kanyang mga kababayan at pinangungunahan din niya ang isang annual basketball paliga.

Photo Credit:nadinesamonte/Instagram

Ay sinabi nito na pagnagretiro siya sa pagiging aktor ay nais niyang manatili at mamuhay sa kanilang probinsya sa Bakawan. Sa katunayan pa nga ay nakabili na siya ng isang house and lot sa kanilang probinsya.

Photo Credit: gwenzamora/Instagram

Ayon sa 30-taong gulang na Kapamilya Actor, “Dun ko naman po talaga nakikita e,. kaya nga dun po ako bumibili ng mga properties, maliliit na investment.”

“Naging inspirasyon ko po kasi talaga yung lugar. Dun ako lumaki, at kung nasaan man ako ngayon, e, alam kong dahil dun sa pinagdaanan ko sa buhay ko dati.”

“Kung bakit ganito ako mag-isip yung may direksyon. Masasabi kung nagkaroon ng direksyon ang buhay ko kasi marami akong karanasan dun.”

“Mga experience ko na bitbit ko. Kaya nga siguro umiiwas ako sa mga gulo o bisyo kasi nakita ko kung paano ang buhay ng tao dun at yung values nila dala dala ko pa.”

Zanjoe Marudo, nagtayo naman ng haven o maliit ngunit modernong tahanan sa kanyang probinsya sa Tanauan, Batangas ang gwapong aktor.

“Medyo ano modern siya, modern yung ginawa ko kasi nga nasa bundok na siya, e, nasa bukid na siya so mukha siyang probinsiya. “So nilagay ko, kinontrast ko siya. Naglagay ako ng maliit na modern house sa gitna ng bukid.”

“Kasi pag ginawa ko siyang parang kubo rin, parang typical.” Gwen Zamora at David Semerad, nadiskubre naman ng dalawang mag partner na ito ang kagandahan at kasimplehan ng pamumuhay sa isang kabukiran.

Ine-enjoy nila ang simpleng pamumuhay sa kanilang Kubo sa Batangas, at masaya rin silang namamsyal gamit ang motorsiklo ni David at ang bagong farm toy nito na Tomahawk ATV (All-terrain vehicle).

Shamcey Supsup Lee, isang architect at kilala din bilang isang beauty queen. Siya ay lumaki sa isang farm na pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa General Santos kung saan ay ang kanyang ama na si dad Timoteo Supsup ang kanyang kasama.

Noong January 6, ay muling umuwi at bumisita si Shamcey sa kanilang probinsya upang makapag relax at makapag ‘back to basic” life doon. Melai Cantiveros, ang komedyanteng si Melai ay ipinanganak at lumaki sa General Santos City, ngunit nanirahan rin siya ng ilang taon sa kanyang lolo at lola sa probinsya ng mga ito sa Bohol.

Nitong nakaraan lamang ay nagbahagi si Melai ng larawan ng kanyang dalawang anak , kung saan ay kasama ng mga ito ang kanilang Lolo sa isang kubo.




Nadine Samonte, nakasanayan niya ang buhay sa probinsya dahil sa kanyang mother-n-law na si Isabel Riva kung saan ay nagmamay-ari ito ng farm sa Zambales.

Sa kanyang Instagram, ay masayang ibinahagi ng aktres na ngayon ay may dalawa ng anak ang isang larawan kung saan siya ay nagluto ng putahe na puro mga sariwang gulay ang sangkap at ito ay may caption na “Bili na po kayo hehehe oh kaya kahit kuha na lang po kayo ok lang po.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *