Ilang Larawan Sa Naganap Na Pagdiriwang Sa Ika-5 Kaarawan Ni Scarlet Snow Belo

Si Scarlet Snow Belo ay ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Sa kanyang pinakabatang edad ay makikita kung gaano kabibo si Scarlet Snow kaya naman hindi kataka-taka na may ilang mga TV endorsement na rin ito.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram




Mayroon ding sariling Youtube Channel si Scarlet Snow kung saan ay makikita ang ilang mga activities na ginagawa niya sa kanilang tahanan, kaya naman marami ang talagang naaaliw sa kanyang kabibohan at kacute-tan.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Ngayon buwan nga ng Marso ay nagdiwang si Scarlet ng kanyang ika-5 taong gulang na kaarawan. Noong March 5, araw ng biyernes ipinagdiwang ang kaarawan ni Scarlet sa Forbes Park sa Makati. Isang “Paw-themed” birthday party ang naging tema ng kaarawan niyang ito.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Samakatuwid, para sa kaalaman ng marami ang petsa talaga ng kaarawan ni Scarlet ay March 3 at ginanap lamang ang nasabing pagdiriwang at birthday party ay noong March 5.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Makikita naman sa Instagram account ni Scarlet ang ilang mga larawan na inupload dito na kuha sa naging kaganapan sa kanyang naging birthday party. Masisilayan sa mga larawan ang mga ngiti at kung gaano kasaya ang binansagang social media darling sa kanyang kaarawan dahil kasama niya sa pagdiriwang nito ang kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kaklase sa paaralan.




“If only I knew turning 5 would be this fun! Thank you to everyone who made my birthday awesome”, ang kalakip ng mga larawang ito, na ipinost ng mag-asawang Vicki at Hayden bilang pasasalamat ni Scarlet sa mga taong nagbigay kasiyahan sa kanyang kaarawan at nakasama sa pagdiriwang nito.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

“I can’t wait for the next one”, dagdag pa sa nasabing caption. Nakakamamangha nga naman ang naging pagdiriwang ng ika-5 kaarawan ni Scarlet, at makikita sa mga larawan kung gaano kaganda ang naging set-up ng kanyang birthday party lalo na ang mga dekorasyon nito.

Makikita rin kung gaano nag-enjoy ang kanyang mga kaibigan at kaklase sa naging pagdalo ng mga ito sa nasabing kaarawan ng social media darling na si Scarlet Snow Belo.
Hindi rin naman mawawala ang lubos na kaligayahan ng mag-asawang Vicki at Hayden sa naging pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang nag-iisang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *