“I’m finally Graduating” Bagong Umaga Star Michelle Vito Masayang Ibinahagi Ang Kanyang Pagtatapos Sa Kolehiyo

Sa panahon ng krisis, ay isa ang aktres na si Michelle Vito ang hindi nagsasayang ng pagkakataon na gamitin ang panahon na ito upang bumalik sa kanyang pag-aaral, lalo pa’t wala naman masyadong proyekto noong nakaraang 2020.




At isa ngang “best” desisyon ito sa aktres, dahil ngayon nga ay matagumpay na niyang nakamit ang pangarap niyang magtapos ng pag-aaral.

Photo Credit: michellevito/Instagram

Nagbahagi si Michelle Vito ng kanyang graduation picture sa kanyang Instagram account, kung saan ito nga ay nilakipan niya ng caption na; “She believed she could, so she did. – R.S. Grey”

Photo Credit: michellevito/Instagram

“I’m finally graduating! (emoji girl and toga). Although it took some time and some delays, my college life has now come to an end. I’ve always wanted to go to regular school instead of doing online classes, even though I know that it would have been really hard, especially because I also have work.”, ani Michelle.

Photo Credit: michellevito/Instagram

Dagdag pa ng aktres, gusto niya talagang maranasan ang buhay ng isang regular na estudyante, yung papasok ng eskwelahan, magkakaroon ng 10-min break, kakain sa cafeteria, at yung pakiramdam na nasa loob ka ng isang classroom, gumawa ng mga aktibidad sa eskwelahan at marami pa ngang iba.

Photo Credit: michellevito/Instagram

Ibinahagi rin ni Michelle, ang mga hirap na naranasan niya sa pagpapatuloy niya ng kanyang pag-aaral, lalo na ang puyat at ‘cramming mode’. Mayroon pa nga umano siyang pagkakataon, na kahit katatapos lang niya sa trabaho, ay diretso agad siya sa eskwela, ‘vice versa’.

Photo Credit: michellevito/Instagram

Samantala, ayon pa sa aktres, ang kanyang pag-aaral ng kolehiyo, ay hindi lamang upang siya ay makapagtapos at makuha ang diploma na pangarap niya, kundi maranasan din ang masaya at mga hindi malilimutang eksperyans ng isang kolehiyala.

“My college is not only about graduating, getting my diploma, and having a degree but also about the unforgettable and irreplaceable experiences in between.”

Pinasalamatan rin ni Michelle ang lahat ng mga taong naging inspirasyon niya upang magpatuloy at tapusin ang kanyang pag-aaral, at syempre hindi rin nakalimutan ng aktres na magpasalamat sa Diyos dahil batid niya na ito talaga ang gumabay sa kanya at tumulong.

“A huge thanks to everyone who inspired and helped me along the way, including my family, friends, schoolmates, and professors. I wouldn’t have made it this far without you guys. Lastly, to God, alam kong nandiyan ka the whole time, and thank you for listening and answering my prayers.”

Nagpasalamat din si Michelle sa eskwelahan kung saan siya nagtapos.
“Benilde. Thank you for the five years filled with wonderful experiences. I only hoped that I could’ve ended my college journey at school and with a grand graduation ceremony.

“Even though I dreamed and waited for that moment for many years, the current situation taught me to be content and be grateful for what we have at the moment. Everything happens for a reason, and I know God is teaching us a lesson. All is well with Him (emoji praying).”

Bumuhos naman ang pagbati para sa aktres, mula sa kanyang mga kaibigan at trabaho sa industriya. At makikita nga na ang unang bumati sa kanya, ay ang kanyang co-star sa ‘Bagong Umaga’ na si Sunshine Cruz.




Maliban kay Sunshine ay binati rin si Michelle nina Gidget, Pokwang, Moybienne at marami pa ngang iba. Hindi rin naman nagpahuli ang boyfriend ni Michelle na si Enzo Pineda, kung saan ay binati rin nito ang kasintahang aktres, kalakip pa nga ang graduation photo nito.

Sina Michelle Vito at Enzo Pineda ay isang taon na ring magkarelasyon, at noon ngang ika-28 lamang ng Pebrero ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan. Nagkakilala sila sa seryeng “Nang Ngumiti Ang Langit.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *