Imbis Na Cellphone At Gadget Ang Regalo Hiniling Ng Batang Ito Na Kambing Ang Graduation Gift Sa Kanya

Dala ng pagbabago at paglago ng ating teknolohiya, marami na sa mga kabataan ng henerasyong ito ang nakapasa sa mga gadgets. Marami na sa kanila ang dinidepende ang halos lahat sa internet at social media dahilan upang kaadikan nila ito. Hindi naman natin sila masisisi dahil parang ito na lamang ang tanging paraan ng kanilang kasiyahan. Ngunit hindi rin natin maiiwasan maikumpara ang paraan ng pagpapalaki sa atin noon kumpara sa ngayong henerasyon.


Image courtesy: Alvin Gaoiran Robiniol facebook account




Para mapatahan mo ang isang bata ngayon, kailangan mo muna siyang paglaruin ng cellphone. Halos karamihan na rin ng mga kabataan ngayon mula kinder, at elementarya ay may kaniya-kaniya nang cellphone na mga hawak at kung wala naman ay pinipilit ang kanilang mga magulang na bilhan sila. Cellphones ang karaniwang inireregalo ng mga magulang sa kanilang mga anak tuwing may mga nakukuha ang parangal katulad ng mataas na grado, parangal sa school, o bilang graduation gift.


Image courtesy: Alvin Gaoiran Robiniol facebook account

Ngunit para sa batang si Alwytz Robiniol Gaoiran, hindi mahalaga ang cellphone para sa kanya. Nakakatuwang isipin na imbis na cellphone ang hiling ni Alwytz bilang isang graduation gift ay kambing ang kaniyang naisip na hingiin. Sa murang edad pa lamang ay mahilig na talagang mag-alaga ng hayop si Alwytz. Kinuha niya ang hilig na ito mula sa kanyang amang si Ronnie na isang magsasaka.

Sa kabila ng hilig niya sa pag-aalaga ng hayop, hindi naman sa kanya ang mga hayop na kanyang inaalagaan dahil hindi kaya ng kanilang pamilya na bumili. 7 silang magkakapatid na binubuhay ng kaniyang amang magsasaka at ng inang OFW. Mabuti na lamang at mayroong mabait na kuya itong si Alwytz, si Alvin, na siyang nagregalo ng kambing sa kapatid. Natuwa raw si Alvin dahil imbis na gadgets raw ang ipabili ng kapatid ay kambing na lamang daw at sa katunayan, buntis na kambing raw ang niregalo ni Alvin para mas marami raw itong maalagaan.

Narito ang post ni Alvin: “Tinanong kita kung anong gusto mong regalo. Akala ko cellphone, tablet, o kahit ano mang klase ng luho ang isasagot mo. Natuwa ako nang sinabi mong gusto mo ng kambing para may alagaan ka. So heto na yun. Tinotoo ko yung promise ko. Alagaan mo yan, paramihin mo. Buntis yan. Simula pa lang yan ng pagpaparami natin ng mga alaga. Baka sana ang ibibigay ko, kaso di pa kaya ng budget.

Who knows, after ilang taon, may sarili na tayong farm, db? Basta magsipag ka lang, kakayanin natin ‘to. Congratulations ulit, Alwytz. Yes, I practice favoritism, at alam mong ikaw ang paborito kong kapatid. Love you, our future engineer. How I wish nandyan ako ngayon. #ProudKuya” Sana mapulutan ito ng aral ng bawat bata!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *