In A Relationship Na Nga Ba Si Romnick Sarmenta Kay Barbara Ruaro

May bago na nga bang relasyon ngayon ang aktor na si Romnick Sarmenta? Totoo ba na girlfriend na nito si Barbara Ruaro?




Yan lamang naman ang ilang mga katanungan ng mga netizens, dahil sa napapansin ng mga ito na halos pareho ang mga sweet post nina Romnick at Barbara sa kani-kanilang mga Instagram account.

Image Credit via Google

Isa sa mga kinilalang matinee idol noong 90’s ang aktor ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayon na si Romnick Sarmenta, samantalang si Barbara Ruaro naman ay isang indie actress na kabilang sa cast ng IWant digital series na Tapes (2020) at Past, Present, Perfect (2019).

Image Credit via Google

Sa Past, Present, Perfect ay may dalawang episode, na kung saan ay lumabas si Romnick Sarmenta kaya naman kasama nito niya sa proyektong ito si Barbara.

Image Credit via Google

Nitong nakaraan nga lamang, June 5, 2020, ay nagpapahiwatig ng aktor na tungkol sa isang babae na di umano’y nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.

Image Credit via Google

Sa kanyang Instagram, ay nagbabago ang aktor ng isang larawan ng babae na may hawak na bouquet of red roses, na kung saan ay may kalakip pa itong isang poem na tila si Romnick ang may akda para sa isang taong mahalaga sa kanyang buhay ngayon.

Image Credit via Google

Sabi rito: K A “Kakampi sa kahit anong laban “Kaibigan sa lahat ng oras “Kahati sa lahat ng bagay “Kasama sa buhay  “sa lahat ng araw “Pipillin ka.”

Mapapansin naman sa larawan na sinadyang hindi ipakita ang mukha ng babae rito, maliban na nga lang sa ibabang bahagi ng mukha nito. Isang netizens naman ang nagbigay ng komento sa comment section ng larawang ito, kung bakit umano “no face”, ang babae sa larawan.

“Makikilala niyo rin po”, na may kasama pang smile emoji ang naging sagot ni Romnick sa komentong ito. Tunay nga namang, walang ligtas ang sinuman sa mga mapanuring mata ng mga netizens, lalo na kung ikaw ay isang personalidad sa showbiz.

Ilang mga netizens ang nagsabi na ang post na ito ng aktor, ay may kaparehong post din sa Instagram account ni Barbara. “tingin ko po si @bieruaro..”, ang sabi naman ng isang netizens. “Hahaha ayon sa nunal sa upper lip at sa dibdib.”

Kung sisilipin nga ang Instagram account ni Barbara Ruaro, ay may isang larawan din ang indie actress na post noong May 19, na kung saan ay may hawak din siya ritong bouquet of roses.

Sa larawang ito ni Barbara ay may kilig caption na, “Thank you, N. You make my heart swell.”
Mapapansin nga na “N’, ang initial nickname ni Romnick dahil ang kanyang Instagram handle ay @nicksarmenta.

Sa bio rin ng aktor na si Romnick Sarmenta, ay makikita ang pangalang Nick Sarmenta Tejedor. Ayon pa nga sa ilang mga netizens, napansin rin nila na match ang tattoo sa right forearm ni Barbarra sa nakita rin nilang larawan na ibinahagi ni Romnick, noong June 6.

Tila low-key naman ang dalawa sa hinihinalang pagtitinginan nilang dalawa.
Mapapansin rin nga sa Instagram account ng dalawa, na pareho silang nagpapalitan ng mga heart emojis sa isa’t-isa, ngunit magkaiba man ay wala pa namang nakikita ang mga netizens na larawan na sila ay magkasama.

Pero nakikita nga sa kanilang mga social media account, na pareho silang inspirado ngayon. Muli nga na namang nakatanggap si Barbara ng bouquet of flowers noong June 10, at ibinahagi niya ito sa kanyang Story at nilagyan ng written text na “Thank you, Nicko. You warm this little pixie’s heart.”

Kung titignan pa ang ilang larawan sa Instagram account ni Barbara, ay makikita rin na noong June 3 ay nakatanggap din ito ng isang Lovenote mula sa kanyang special someone na may initial na “N”.

“B, Joy and Light, Love and Peace, All these you bring, I love You.” Ang nakasaad nga sa note. Sa isa namang naging conversation ng dalawa sa isang post ni Barbara tungkol sa pakiki-isa niya sa mga kababaihang nakakaranas ng harassment ay makikita na tila kinumpirma nito na ang special someone niya na may initial na ‘N’ ay si Romnick Sarmenta, matapos niya itong replyan ng “My Nicko”, sa comment section.

“Very very proud of you Barbara Ruaro always”, mensahe ng aktor gamit ang account na Nick Sarmenta Tejedor. “Thank you, My Nicko”, ang maging sweet na reply naman ni Barbara.




Wala pa mang kumpirmasyon mula sa dalawa, tungkol sa namumuong ugnayan at relasyon nila ay marami na ngang mga netizens ang nagbibigay ng kanilang samu’t saring komento dahil sa mga napapansin nilang sweetness ni Romnick at Barbara sa isa’t isa.

Matatandaan na October 2018, ng maghiwalay si Romnick Sarmenta at dating asawa nito na si Harlene Bautista matapos ang kanilang 19-taong pagsasama bilang mag-asawa.
Si Barbara Ruaro naman ay dating nakarelasyon ng Eraserheads guitarist na si Marcus Adoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *