Ina Ng Aktres Na Si Lovi Poe Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media Dahil Sa Walang Kupas Na Kagadnahan

Marami sa mga hinahangaan at iniidolo nating personalidad sa showbiz ang talaga namang masasabi natin na nagmula sa angkan ng mga magaganda at gwapo kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung bakit taglay nila ang mga kahanga-hangang hitsura.




Kabilang na nga sa mga ito ay ang aktres na si Lovi Poe, na ang taglay na kagandahan ay hinahangaan ng marami, lalo pa’t ito nga ay namana niya sa kanyang mga magulang na pareho ring naging kilalang personalidad sa showbiz noon.

Image Credit via Google

Kilala ang aktres na si Lovi Poe hindi lang sa kanyang husay bilang isang artista, kundi dahil na rin sa pagkakaroon niya ng natural at napakagandang mukha. Maliban pa dito ay talaga namang kahanga-hanga rin ang kanyang angking kaseksihan na nakabibighani sa mata ng madla.

Image Credit via Google

Samantala, marahil ay marami sa atin ang nagnanais malaman kung saan nga ba naman ni Lovi Poe ang kanyang natural na kagandahan. At kamakailan nga lamang ay naibahagi ng GMA ang larawan ni Lovi at ng kanyang inang si Rowena, at dito nga nakita ng mga netizens na ang taglay na kagandahang ng aktres ay nakuha niya sa kanyang ina.

Image Credit via Google

Makikita sa larawan ng mag-inang Lovi at Rowena na malaki ang pagkakahawig ng aktres sa kanyang ina, kung saan ay nakuha niya nga rito ang kanyang cheekbone at mga mata. Dahil sa taglay na kagandahan pa rin ng ina ngayon ni Lovi na tila hind inga kumukupas na parang hindi nagkakalayo ang edad nila, ay mapagkakamalan ngang magkapatid lamang ang dalawa sa naturang larawan.

Image Credit via Google

Matatandaan naman na noong taong 2004, ay isiniwalat sa publiko ng yuma0 ng si “Da King” o Fernando Poe Jr. na ang aktres na si Lovi Poe ay kanyang anak sa dating aktres na kanyang nakarelasyon noon, dahilan para maging half-sister nga si Lovi ng isa pang anak ni Da King na si Sen. Grace Poe.

Sa ngayon si Lovie Poe ay isa nga sa mga pinakahinahangaan na aktres sa mundo ng showbiz, kung saan ay patuloy na namamayagpag ang kanyang karera bilang isang mahusay na aktres.

Ilan nga sa mga tumatak na pelikula na ginawa ni Lovie Poe ay ang “The One Got Away”, “Someone To Watch Over Me”, “Mulawin Versus Ravena”, “Temptation Island”, “The Significant Other”, “The Womb”, “My Neighbors Wife” at napakarami pa.

Ipinamalas rin niya ang kanyang husay sa pag-arte sa isang teleserye ng bumida siya sa teleserye ng GMA-7 na “Ang Dalawang Mrs. Real” noong taong 2014, kung saan ay nakasama niya si Dingdong Dantes at Maricel Soriano.




Hindi nga maikakaila na napakahusay na rin na aktres ni Lovi Poe, kaya naman sa ilang taon niya sa mundo ng showbiz ay nagkamit na rin siya ng mga parangal. Noong taong 2010 naparangalan siya bilang “Best Actress” sa Cinemalaya Independent Film Festival sa pelikulang “Mayohan” kung saan ay gumanap siya bilang Lilibeth.

Sa kaparehong taon rin ay napabilang siya sa Best Actress Awardee sa FAMAS matapos niyang ipamalas ang mahusay niyang pagganap bilang Kath Asero sa pelikulang Sagrada Familia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *