Ina Ng Magkakapatid Na Robin Padilla ,BB GandangHari At Rommel Padilla Nakakamangha Ang Ganda

Makailang ulit na tayong tumatalakay sa buhay ng mga aktor at aktres sa industriya ng showbiz. Ilan sa kanila ay ibinahagi na ang kani-kanilang personal na buhay at ipinakilala maging ang miyembro ng kani-kanilang pamilya.




Ang ilan pa sa ating mga tinalakay ay ang mga pinagmulang angkan ng mga kilalang artista sa showbiz, at ngayon muli nating tatalakayin ang isang angkan na kilala sa showbiz na may gwapo at magandang lahi.

Image Credit via Google

Mayroon nga tayong lumang kasabihan na “Kung ano ang Puno, ay Siya rin ang Bunga”, na madalas ang ibig sabihin ay kung ano ang katangian ng isang magulang ay nakukuha ito o namamana ng kanilang mga anak.

Image Credit via Google

Tulad na lamang ng ilan sa mga kilala nating artista na karamihan ay namana o nakuha ng kani-kanilang mga anak ang kanilang pisikal na katangian at taglay na kaugalian.

Image Credit via Google

Isa sa pinaka kilalang angkan sa industriya ng showbiz dahil sa kanilang taglay na kagwapuhan at kagandahan ay ang mga Padilla, na ang karamihan nga sa kanila ay patuloy na namamayagpag ang karera sa industriya.

Image Credit via Google

Ang unang henerasyon ng mga Padilla na namayagpag sa industriya ng showbiz ay aming magkakapatid na Robin Padilla, Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari, at si Rommel Padilla.

Image Credit via Google

Maliban pa nga sa kanila ay sikat na sikat na rin ang nasa ikatlong henerasyon ng mga Padilla, gaya na lamang ng heartthrob at binansagang “Teen King” na si Daniel Padilla, at ang kanyang magandang pinsan na si Bella Padilla.

Hindi nga naman maikakaila na ang kanilang pamilya ay tunay ngang taglay ang dugo ng mga gwapo at magaganda dahil halos pagkakahawig sila na parehong mga mestizo at mestiza.

Kaya ngayon ay marami ang nais malaman kung ano nga ba ang itsura ng head of the family ng kanilang pamilya noong kabataan ng mga ito.

Matatandaan na, kamakailan lamang ay ibinahagi ng anak ni Robin na si Kylie Padilla ang itsura ng kanyang lolo na si Roy Padilla Sr., isa sa mga dating naging gobernador ng Camarines Norte.

Marami sa mga netizens ang namangha dahil sa taglay talaga nito ang gwapong mukha at kakisigan, ilan pa nga ang nagsabi na ang anak nito na si Rustom o BB Gandanghari na ngayon ay dito nagmana.




Samantala, ngayon ay mas namangha pa nga ang mga netizens ng ibahagi ni BB Gandanghari ang larawan ng kanilang ina, na si Madam Eva Carino Padilla noong kabataan nito.

Sa naturang post ni BB, ay kanyang inilahad ang pagkamiss niya sa kanyang Mommy Eva. Kalakip din ng naturang mensahe ay ang pasasalamat niya at pagbati rito ng Happy Mother’s Day.

May ilan naman na nagsabi, na hawig ni Mommy Eva noong kanyang kabataan ang hitsura na ngayon ng anak niyang si BB Gandanghari at ang iba naman ay sinasabing nahahawig ito s apo nitong si Bella Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *