Inireklamo Ng Batang Ito Ang Babaeng Asawa Na Nagbibigay Ng Baon Sa Kanya

Paano mo nga malalaman kung nagloloko ang asawa mo sa iyo? At kung sakaling malaman mo, ano ang mga hakbang na gagawin mo? Ipapahiya mo ba ang iyong asawa, o ang kabit nito? Paano kung malaman mong ang pinagpalit pala niya sa iyo ay isang senior high school pa lang? Ano ang nararamdaman mo? Paano kung sino pa ang may sala, siya pa ang nagreklamo sa iyo?

Image Courtesy: Raffy Tulfo in Action / YouTube




Ito nga ang sitwasyon na kinahaharap ngayon ni Aling Jocelyn Alejandro na isang barangay kagawad sa barangay Kalabaza, Aurora, Isabela. Inireklamo siya ng isang nagngangalang Ruth Abanca na kapwa taga doon din sa kanila sa programa ni Raffy Tulfo. Ayon kay Ruth, nagpapakalat raw ng tsismis si Jocelyn na may relasyon raw si Ruth at ang asawa ni Jocelyn na si Roger Alejandro na siyang dating kapitan ng nasabing barangay. Dahil sa mga tsismis na ito, naapektuhan na raw pati ang kanyang pag-aaral.

Image Courtesy: Raffy Tulfo in Action / YouTube

Depensa naman ni Ruth na tinutulungan lamang raw siya ni Roger dahil noong mga panahong lumaban siya ng Miss Aurora at kailangan niya ng mga pambayad para sa laban, si Roger ang kapitan noon at siya nag-asikaso ng tulong nito. Sinabi rin ni Ruth na galing ang pera ng binigay sa kaniya sa budget ng barangay at hindi kay Roger mismo. Sa katunayan, may mga dokumento pa raw siyang pinirmahan bago niya makuha ang pera.

Image Courtesy: Raffy Tulfo in Action / YouTube

Buwelta naman ni Jocelyn, nagawa niya lamang raw iyon dahil masakit ang kaniyang kalooban lalo pa’t nalaman niyang nagbibigay raw ng pera ang kanyang asawa kay Ruth. Ilang taon na raw itong ginagawa ng kanyang asawa kahit hindi na ito kapitan ng kanilang barangay. Masakit rin raw para kay Jocelyn na ganoon ang sitwasyon dahil mahigpit raw sa pera si Roger pagdating sa kanyang sariling anak habang si Ruth ay nakakakuha ng mga gusto niya sa canteen ng kanilang eskwelahan na si Roger ang nagbabayad.

Image Courtesy: Raffy Tulfo in Action / YouTube

Aminado rin si Jocelyn na mali ang ginawa at mga tinext niya kay Ruth ngunit pinaalalahanan niya ang dalaga na kung maaari ay mag-ingat sa mga tinatanggap na tulong lalo pa’t isang pamilyadong tao ang magbibigay nito. Kahit ayaw mong maging kabit, maaari kang magmukhang ganoon kung ganito talaga ang sitwasyon mo.

Image Courtesy: Raffy Tulfo in Action / YouTube

 




Video Credit: Raffy Tulfo in Action / YouTube

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *