Iniwan Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Mag-ina Matapos Magpakasal Sa Ibang Babae

Isa sa mga pinakamasakit na pakiramdam sa mundo ay ang ipagpalit ka ng taong mahal mo sa iba. Masakit na iyong ibinuhos mong pagmamahal at pag-aaruga sa taong iyon ay susuklian lang ng pangangaliwa. Siyempre, mas masakit rin kapag pinangakuan ka ng kasal tapos sa huli ay iba naman pala ang ihahatid sa altar. Doble rin ang sakit kung nagkaroon na kayo ng anak at lahat ay hindi pa rin ikaw ang pinili niyang sumpaan ng panghabang-buhay na pagsasama.




At ito nga ang nangyari sa isang netizen na si Justine Ann Magbitang. Masaya na sana at sigurado na ang kinabukasan ni Justine dahil nag propose na sa kanya ang kanyang boyfriend na si Ivan Jester Chavez. Masaya na sana sila noon dahil nga may inaasahan na rin silang sanggol dahil buntis na rin noong panahong iyon si Justine. Para masustentuhan ang pangangailangan ng kanilang magiging pamilya, kailangan magtrabaho ni Ivan, ibig sabihin ay kailangan niyang iwan ang kaniyang mag-ina.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nangyari pa rin ang kinatatakutan ni Justine: nagkaroon ng ibang babae si Ivan sa kanyang pinagtatrabahuhan. Panahon ng kapanganakan ni Justine ay nabuntis rin ni Ivan ang kanyang bagong babae. Matapos nito ay nagpakasal ang dalawa. Bagama’t masakit, kinailangang tahakin at tanggapin ni Justine ang ideyang papalakihin niya mag-isa at walang tatay ang kanyang anak.

Sa tulong ng social media, binuhos ni Justine ang lahat ng kanyang hinaing. Bagama’t masakit, hindi naman siya naging “bitter” sa kaniyang sinapit. Sa katunayan, pinasalamatan niya ang Diyos sa mga pagsubok na kanyang nararanasan at iniligtas raw siya. Sabi niya rin na darating rin raw ang araw na maintindihan ng kanyang anak ang kanyang mga naranasan.

Marami ang naka “relate” sa istorya ni Justine. Marami ring mga single parents ang humanga sa tatag ni Justine. Sa kasalukuyan, matagumpay na si Justine sa kaniyang napiling larangan habang masaya na rin si Ivan kasama ang kanyang asawa.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *