Inspirasyon Ang Hatid Ng Isang Batang Gumagawa Ng Assignment Sa Kalye Kasabay Ng Pagtitinda Ng Sampaguita

Maraming mga kabataan ang masasabi natin na mayroong maayos at masaganang pamumuhay. ‘Yung tipong nagbibigay sa kanila ng kanilang mga magulang ang kanilang mga pangangailangan,




lalo na ang magandang edukasyon na ginagamit nila sa ikagaganda ng kanilang kinabukasan. Ang mga bata ngang ito ay talagang swerte sa buhay dahil sa hindi na nila kinakailangan dumanas ng kahirapan.

Image Credit via Google

Ngunit batid din naman natin na mayroong mga bata na salat ang pamumuhay, kung saan dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, ay kinakailangan nilang dumanas na maghanap-buhay at magbanat ng buto sa murang edad pa lamang nila, ito ay upang tumulong sa pamilya at ang iba ay upang may pangtustos sa kanilang pag-aaral.

Image Credit via Google

Katulad na nga lamang ng isang batang lalaki na kamakailan lamang ay nakunan ng larawan at naging viral sa social, dahil sa kabila ng kahirapan na dinaranas, ay ipinakita niya ang kanyang determinasyon at kasipagan sa pag-aaral.

Image Credit via Google

Naging inspirasyon nga sa marami ang larawan ng batang ito, na nagpapakita kung gaano siya nagpupursige upang makaahon sa kahirapan. Buong sipag niya kasing pinagsasabay ang paghahanap-buhay at kanyang pag-aaral.

Image Credit via Google

Sa isa ngang fly over, ay namataan ang naturang bata na habang nakaupo sa kalsada katabi ang kanyang mga panindang sampaguita na nakaayos ng salansan sa kanyang harapan, ay hawak-hawak naman niya ang kanyang ballpen, aklat at notebook, kung saan tila ito’y sumasagot ng kanyang takdang aralin para sa eskwela.

Image Credit via Google

Kahit na hirap sa buhay, ay makikita sa batang ito ang pagpupursige niyang mabago ang takbo ng kanyang buhay, ito ay sa pamamagitan ng pagiging masipag at determinado niya sa kanyang pag-aaral. Batid nga natin, ano ang edukasyon, ay isa sa mga susi para siya’y magkaroon ng magandang kinabukasan.




Sa kabila nga ng nararanasan nating hirap ngayon dahil sa sitwasyon na ating kinakaharap, ay pakatandaan lang natin lagi na hindi dito nagtatapos ang kwento ng ating buhay. At tulad nga ng batang ito, ay piliin natin lagi ang labanan ang lahat ng hamon ng buhay, dahil sa may Diyos tayong makakapitan at siguradong hindi tayo pababayaan. Basta magiging matatag lang tayo lagi at gawin ang makakaya natin, kasabay ng ating pananampalataya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *