Internet Sensation Na Si Francis Leo Marcos Meron Palang Napakagandang Asawa

Ang ating bansa ngayon ay nabibilang sa mga bansang apektado na ang ekonomiya dahil sa pandemic na Covid-19.

Image Credit via Google

Sa kasalukuyan ang buong Luzon, ay napasailalim sa Enhance Community Quarantine dahil sa padami ng padami ang kaso ng Covid-19 sa parteng ito ng ating bansa. Kaya naman marami sa ating mga kababayan ang natigil ang trabaho at negosyo na isa sa pangunahing nilang source of income.

Image Credit via Google




Kaya naman hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang ating gobyerno sa pagpapatupad ng mga kaukulang batas upang maiwasan ang pagkalat ng pandemic sa ating bansa.

Image Credit via Google

Ginagawa rin ng gobyerno ang kanilang makakaya upang mabigyan ng tulong ang ating maraming kababayan na sobra na apektado sa pagkakaroon ng Enhance Community Quarantine.

Image Credit via Google

Maliban pa nga sa ating Gobyerno ay may ilang personalidad din na may mabuting loob ang nagpapa-abot ng tulong sa ating mga kababayan gamit ang sarili nilang pera.

Isa na dito ang pinag-uusapan ngayon sa social media at itinuturing na internet sensation na si Francis Leo Marcos. Sa pagpapakilala niya sa kanyang sarili ay sinabi ni Leo na siya ay isang businessman na namamahala sa mga Marcos Group of Companies.

Image Credit via Google

Naging kilala at trending siya sa social media, ng bigyan niya ng tulong ang ilan sa ating mga kababayan tulad na lamang ng pagbibigay niya ng sako sakong bigas na napuno ang isang truck.

Hinamon din niya ang ilan pang mga mayayamang negosyante dito sa ating bansa na tulungan o magbigay ng tulong sa ating mga mahihirap na kababayan na naapektuhan ng Covid-19 crisis.

Dahil dito ay talagang naging usap-usapan si Leo, kaya maging ang kanyang personal na buhay ay naintriga na rin.

Sa kangang dala-dalang apelyido na “Marcos”, ay marami ang nagtatanong kung may kaugnayan ba siya sa pamilya Marcos na mula sa isang Political Family.
Ito naman ay binigyang klaro ni Jolo Romualdez na isang Kapuso Talent, at sinabi nito na hindi nauugnay si Leo sa kanilang pamilya.

Maganganun man, ay marami pa ring netizens ang humanga kay Leo dahil sa bukas palad niyang pagtulong sa ating mga kababayan.

Ngunit kapag nga naman ang tao ay may ginawang mabuti may ilang tao pa rin ang maghahanap ng pwedeng ikasira nito, tulad na lamang ng ilang nagsasabi na ang ginagamit na pangalan ni Leo ay hindi niya totoong pangalan dahil Norman Mangusin umano ang pangalan nito.

Ayon naman kay Leo, ay ginagamit niya ang pangalan na ibinigay sa kanya ng kanyang Ina. Sinabi rin nito na ang kanyang ina ay isa sa mga masugid na taga suporta ng dating Presidente Ferdinand Marcos.

Kahit pa nga ang personal na buhay ni Leo at ang kanyang networth ay napag-uusapan na din sa Social Media.




Muli, nitong nakaraan lamang ay naging viral uli ang isang video na ini-upload niya sa kanyang Facebook kung saan ay ipinakilala niya ang kanyang asawa. At base sa sinabi niya sa video na ito, ang kanyang asawa na nagngangalang Mayu ay isang dating beauty queen.

Ayon pa kay Leo Marcos, ang kanyang asawa ang nag-uwi ng parangal noon na Miss Universe Japan 2013.

Ipinakita rin sa video ang pamamasyal nila sa Japan, at mayroon din na iba pang video mula sa kanyang social media account na kasama niya ang kanyang asawa habang kumakain.

Ayon pa nga sa ilang source, noong nakaraang taon July 22, 2019 nagpakasal si Leo at Mayu. Ngunit ngayon ay may ilan ding balita, na nagsasabi na hindi maayos ang pagsasama ng mag-asawa.

Sa isang Live video sa kanyang Facebook, ay inamin ni Leo na may problema siya sa kanyang asawa dahil tutol umano ito sa mga aktibidad na kanyang ginagawa.

Ayon pa sa kanya, ay hindi niya magawang ihinto ang nais niyang pagtulong sa ating mga kababayan kahit pa nga ba nagdudulot ito ng hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang asawa. Ngunit umaasa umano siya, na darating ang araw na maintindihan ng asawa niya ang mga bagay na ginagawa niya ngayon.




“Umaasa pa rin ako na lalambot ang puso ng asawa aking asawa, at maintindihan niya itong ginagawa ko, at mamahalin niya kung sino man ako at ano ang ginagawa ko para sa taong bayan.”

At dahil sa dami ng taong naabutan ng tulong ni Leo, ay marami rin sa mga ito ang nananalangin para sa kanya na maging maayos ang pagsasama nila ng kanyang asawa at magkaroon sila ng masayang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *