Usap Usapan Ang Pag Bantay Ni Ion Perez Kay Vice Ganda Sa Hospital

Sa araw ng ating mga pangangailangan, mahirap makahanap ng mga totoong kaibigan na aalalay sa’yo. Kaya naman, kung may ganito kang kaibigan o ka-ibigan, swerte ka. Sila talaga ang totoong mga bayani sa ating mga buhay dahil sila sumasagot sa atin maging ito man ay pinansyal, pisikal, pangkalusugan, o mental. Sila ang ating nakakasama at nasasandalan sa tuwing tayo ay may problema.

Photo Credit: Ion Perez/Google




Katulad na lamang ng matatag na pagkakaibigan ng mga It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Ryan Bang at ang napapagaling jowa ni Vice na si Ion Perez. Nito lamang ay dumaan sa isang komplikasyon sa kalusugan ang batikang komedyante na si Vice Ganda matapos itong makaranas ng pagsusuka at LBM. Ito ang naging dahilan upang siya ay maconfine sa ospital at mawala sa programa ng ilang araw.

Sa isang video na ibinahagi sa social media, makikita rito sina Ryan at Ion na kasama si Vice habang naka-confine sa ospital. Mas lalo ring nag-aalala ang mga netizens nang makita nila ang isang video kung saan sumailalim si Vice sa isang ultrasound. Bagama’t ganito ang sitwasyon, naappreciate naman ng mga netizens ang kabutihang loob nina Ryan at Ion para sa kanilang matalik na kaibigan.

Matatandang nitong taon lamang ay umamin si Ion sa publiko na mayroon silang “espesyal na relasyon” ni Vice Ganda. Hindi rin na iwasan ng mga tao na mag-isip na magkasintahan na nga sina Vice at Ion. Sa kasalukuyan, maayos na ang kalagayan ni Vice at nakabalik na siya sa It’s Showtime para magpasaya ng mga tao.

Sa It’s Showtime rin nagsimula ang relasyon ng dalawa. Nakilala si Ion bilang Kuya Escort at simula noon ay umusbong na ang kanyang karera. Magkakasama rin sina Vice at Ion sa ibang bansa base sa mga posts nila sa kani-kanilang mga social accounts na siya namang ikinatuwa ng mga tao dahil raw sa wakas ay mayroon ng isang taong hindi kinakahiya si Vice Ganda at iyon ay si Ion Perez.

Video Credit: Ion Perez/YouTube




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *