Ion Perez Nakabili Ng Isang Mamahaling Second Hand Car Mula Sa Kanyang Sariling Ipon

Tunay namang napakasarap sa pakiramdam kapag tayo ay may mga naipupundar na kagamitan o ari-arian na mula mismo sa perang ating pinaghirapan. Kaya naman wala ding mapagsidlan ang saya ng Kapamilya star na si Ion Perez, matapos nga niyang makabili ng pangarap niyang mamahaling sasakyan mula mismo sa naipon niya.




Nito nga lamang nakaraan ay naging usap-usapan si Ion sa social media, ito ay matapos nga niyang bumili ng mamahaling sasakyan.
Ibinahagi naman ni Ion sa kanya mismong YouTube channel ang naging pagbili niya na nasabing sasakyan na kanya ngang ginawan ng content. Makikita nga na ng bilhin ni Ion ang second hand na mamahaling sasakyan ay solo lamang siya.

Image Credit via YouTube

Paglalahad naman ni Ion sa kanyang ginawang vlog tungkol sa naging pagbili nga niya ng second hand na mamahaling sasakyan, ay nabanggit nga niya na noon pa man ay pangarap na talaga niya at gusto taga ngang bumili ng ganitong uri ng sasakyan, ngunit ngayon nga lamang nga niya nagawang makabili dahil noon ay wala pa siyang sapat na pambili nito.

Image Credit via YouTube

Dahil nga sa kasipagan at naging pag-iipon niya, ngayon nga ay nagawa na niyang mabili ang gusto niyang sasakyan, at matapos nga niya itong bilhin ay dinaan niya agad ito sa Moto-Moto para sa isang car make-over.

Image Credit via YouTube

“May naipon ako na konti para sa gusto kong kotse though second hand lang siya. Gusto ko sana brand new kaso hindi pa kaya ng budget”, ani Ion.

Image Credit via YouTube

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naging pagbili na ito ni Ion ng nasabing sasakyan. At ang iba nga ay humanga sa Kapamilya star dahil sa pag-iipon nito ay nagawa nga nitong mabili nag gusto nito na mamahaling sasakyan.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

Video Credit YouTube

“Deserve mo iyan kuya Ion. Congrats po at more blessings to come sa inyo ni Meme Vice”.
“Wow Ion nakaka-proud yong ganito, yung hindi lahat inaasa sa partner kahit alam na kayang bumili ni Vice ng ganyan na madami.”




“Super ganda at luxury ng nabili mong kotse nice choice Ion, deserve mo iyan.”
Si Ion Perez ay isa sa mga co-host ngayon sa programang It’s Showtime at siya rin ay kilala ng publiko bilang ang katuwang sa buhay ng Unkabogable star na si meme Vice Ganda. Kamakailan nga lamang ng isapubliko ng dalawa na sila ay nagpakasal na, na ikinatuwa naman ng marami nilang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.