Isa Ng Beauty Queen At Tinanghal Na Miss Multinational 2019 Ang Dating Child Star Na Si Isabelle De Leon

Natatandaan nyo pa ba si “Duday” o mas kilala bilang si Isabelle De Leon? Isa siya sa mga magagaling na child star noon. Isa sa kanyang mga hindi malilimutang role ay ang pag ganap niya bilang si “Helen” sa award-winning movie na “Magnifico” noong 2003. Nakilala din siya bilang si “Duday” sa comedy film sitcom na “Daddy Di Do Du” na kung saan ay kasama niya dito si Bossing Vic Sotto.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram




Marami nga ang nais malaman kung anong a ang buhay ngayon ni Isabelle De Leon, at narito na ang panibagong tinatahak na karera ng nasabing former child star.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

 

Mula sa pagiging isang napaka kulit at bibong bata noon na nag-aartista ay isang naging ganap na napakagandang dalaga ngayon si Isabelle. Kung noon ay pag-aartista ang tinatahak na landas ng dating child star, ngayon naman ay ibang karera ang tinatahak ni Isabelle.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Kung noon ay kilala si Isabelle bilang isang magaling na child star sa showbiz industry, ngayon ay mas kilala ang dating child star dahil sa pagkakasungkit niya ng korona ng tanghalan siyang Miss Multinational 2019 sa katatapos lamang ganapin na Miss World Ph.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Makikita sa Official Facebook at Instagram account ng Miss World PH na si Isabel ang umani ng pinakamaraming like at comment. Halos karamihan sa mga komento na mababasa tungkol kay Isabelle ay puro paghanga sa galing na kanyang ipinakita dahil hindi nga lamang basta ganda ang hinangaan ng mga manonood at follower’s ng Miss World PH sa dalaga kundi ang katalinuhang ipinakita nito sa patimpalak.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Sa naganap na pageant nga ng Miss World PH ay hindi agad naging kapansin-pansin si Isabelle sa mga manood kahit pa nga siya ang pinaka una sa lahat ng contestant. Ngunit sabi nga nila hindi lahat ng pageant ay ganda ang labanan, dahil ng dumating na sa Q&A ay doon ipinakita ni Isabelle na siya ay isang babae na “may beauty na, may brain pa”.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Sa maging katanungan sa dating child star sa pageant ay nasagot niya ito ng maayos at natural dahil nga sa kanyang taglay na talino at hindi rin siya kinakitaan ng anumang kaba at dito nga ay nagsimula ng umangat ang ganda nito sa lahat ng contestant at nakuha niya na ang kiliti ng mga manood at netizens.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Kahit nga naman siya sa pinakamaliit sa mga contestant sa taas na 5’5 ay hindi nga talaga nagpahuli si Isabelle dahil talagang umangat siya sa nakararami at humakot ng maraming award at higit nakasungkit pa ng korona.Sa karangalan at tagumpay ng ang natamo ng dating child star Isabelle De Leon ay marami ang mga netizens ang muli niyang napahanga at nagbigay ng mga komento ng kasiyahan sa pagkakasungkit niya sa Korona bilang Miss Multinational 2019.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens; Genie Sade RPh “You are so smart & natural! I love you duday you deserve it congratulations!” Marie Argelle Perlo Estadilla, “Beauty that shines from within.”

Ryke Alcudia Ultron “ I love her so much. She was very happy and she even cried when name was called napaka-humble na bata”

Razec Estillore, “Kudos Isabelle. Kahit pumasok ka sa pageantry, tiwala lang sa sarili and nothing is impossible, see u made it. Ang galing sumagot and very confident with a heart.”
Rubelyn Fiestado “You deserve to win a crown Duday… Congrats.! If weren’t for your height baka ikaw sana ang Miss world kc magaling kang sumagot.”

Georgina Bantillan “I can see her as a little “Duday” pero nung nag Q&A na, napa-WOW talaga ako. Confident, smart and so natural.”




Mababasa nga sa mga komento ng mga netizens ang lubos nilang paghanga sa talino at galing na ipinakita ni Isabel sa Q&A ng pageant ng Miss World Ph. At talaga nga namang kahit hindi na ang galing sa pag-aartista ang kanyang ipinapakita ay muling pinatunayan ng dating child star na kahit anong karera ang kanyang tahakin ay kanya pa ring ipapakita ang talent, talino at galing na nasa kanyang pagkatao. Congratulations! Isabelle De Leon, Miss Multinational 2019….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *