Isa Ng Ganap Na Napakagandang Dalaga Ngayon Ang Dating Napaka-Cute Na Child Star Na Si Alyanna Angeles

Sa mundo ng showbusiness ay marami na tayong hinangaan at kinaaliwan na mga ‘child star’, ito nga ay dahil sa kanilang naging pagpapamalas ng husay at talent nila sa pag-arte. Maliban pa dito ay ipinakita rin nila maging ng kabibohan nila bilang isang bata.




Samantala, may ilan naman sa mga child star na hinangaan at napanood natin noon sa ating mga telebisyon ang ngayon nga ay hindi na aktibo sa kanilang karera, at ito nga ay dahil sa mas pinili nila na itigil ang nasimulan nilang pangalan sa indutriya ng showbiz, upang ipagpatuloy at mas pagtuunan muna ng pansin ang kanilang pag-aaral.

Photo Credit: alyannaangeles_/Instagram

May iba naman na hinahati ang kanilang oras sa pag-aaral at pag-aartista upang hindi masayang ang nasimulang karera sa showbiz. Ang iba nga sa mga child star noon na bihira na nating nasisilayan ngayon sa telebisyon ay talaga namang mga dalaga na, kung saan ay hindi nga maiwasan ng marami ang mamangha sa malaking pagbabago sa mga ito.

Photo Credit: alyannaangeles_/Instagram

Dahil kung noon ay mga cute na bata ito, ngayon naman ay dalaga na at talaga namang magaganda na. Isa na nga sa mga ‘child star’ na kinaaliwan ng marami sa atin noon ay si Alyanna Angeles, at ngayon nga ito ay dalagang-dalaga na. Kamakailan nga lamang ay ginulat niya ang publiko,

Photo Credit: alyannaangeles_/Instagram

ng magbahagi siya ng kanyang mga nag-gagandahang larawan, dahil mula nga sa napaka-cute at talentadong bata noon na nagbibigay aliw sa mga manonood, ay malaki na ang pagbabago nito ngayon sapagkat isa na itong napakagandang binibini.

Photo Credit: alyannaangeles_/Instagram

Lingid naman sa kaalaman ng marami, na ang dating child star at ngayon nga ay dalaga ng ai Alyanna Angeles, ay pamangkin ng isa rin sa mga pinakahihangaan at iniidolong aktres sa showbiz, at ito nga ay si Angel Locsin. Hindi nga kataka-taka na ang dating child star ay maging isang napakaganda at seksing dalaga na ngayon, dahil talaga namang nasa lahi na pala ang kagandahan at kaseksihan ng mga ito.

Photo Credit: alyannaangeles_/Instagram

Dahil nga sa angking kagandahan at kaseksihan na taglay ngayon ni Alyanna, ay hindi malabong maging isa itong matagumpay na beauty queen, kung naisin nito na pasukin ang pageantry.
Matatandaan na taong 2011 ng pasukin ni Alyanna ang mundo ng showbiz, kung saan ay marami na nga siyang kinabilangan na mga serye at pelikula at gumanap na nga ng iba’t ibang mga karakter.

Ilan nga sa mga karakter na kanyang ginampanan ay ang pagiging si Andrea “Andi” H. Dela Vega, ng mapabilang siya sa naging Philippine adaptation ng Mexican series na “Maria La Del Barrio.” Ginamanpanan niya naman ang karakter bilang ang batang si Rosario Galang noon sa “Ang Probinsyano” at gumanap rin siya bilang ang batang bersyon ni Kim Chiu sa drama serye nito noon na “Ikaw Lamang.”




Dahil sa kanyang mahusay na pag-ganap sa kanyang mga karakter, at patuloy na pagpapamalas ng kanyang talento sa pag-arte ay nabigyan ng pagkakataon si Alyanna na magkaroon ng supporting roles sa Wansapanataym.Si Alyanna Angeles ay nag-iisang anak ng kanyang mga magulang, at siya nga ay ipinanganak noong ika-23 ng Nobyembre taong 2003.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *