Tunay ngang ang tagumpay ng isang tao, ay nakadepende sa kanyang sipag, tiyaga at determinasyon na ito ay makamtan. Katulad na lamang ng buhay na tinatamasa na ngayon ng dating dancer sa program ani Kuya Wil na si Lovely Abella, na kung ilalarawan ang kanyang pamumuhay ngayon, ito nga ay masaya at matagumpay.
Si Lovely Abella ay nagsimulang makilala ng publiko bilang isang dancer ng show ni Kuya Wil, hindi naman nagtagal, ay nadiskubre nga ang kanyang husay sa pag-arte at pagbibigay ng katatawanan sa mga manonod, kaya naman maliban sa pagiging isang dancer, ay nakilala rin siya bilang isang sikat na aktres at komedyante sa GMA network.

Simula nga ng pasukin niya ang mundo ng showbiz, ay tila nga nagtuloy-tuloy na ang pagbuhos ng maraming biyaya sa kanyang buhay. Dahil sa kanyang angking talento at kakayahan ay marami ngang mga oportunidad ang nagbukas sa kanya, kabilang na rito ang masuwerte niyang makasama sa ilang malalaking pelikula ang ilan sa mga bigating artista kagaya na lamang nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Box Office Film na “Hello, Love Goodbye.”

Ang kasikatan na tinatamasa ng kahit na sino mang celebrity tulad ni Lovely ay batid natin na hindi permanente, kaya naman maliban sa kanyang pag-aartista at pagiging isang comedienne, ay pinasok ni Lovely ang pagnenegosyo, kung saan ay nakatuwang niya din ang asawa niyang si Benk Manalo. Si Benj ay anak ng sikat na komedyanteng si Jose Manalo.

Hindi lamang nga sa pag-arte sa telebisyon may napatunayan si Lovely, dahil pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo, ay ipinamalas din niya ang kanyang pagiging madiskarte, dahil ngayon nga ay patuloy na lumalago ang negosyong kanyang sinimulan.

Sa kasalukuyan nga ay mayroon ng sarili niyang brand ng kape at cosmetics si Lovely. Nakapagsimula na rin siyang magdenta ng mga branded bags at mga alahas, kaya naman talagang masasabi na napaka-successful na niya bilang isang negosyante.
Kamakailan nga lamang sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Lovely sa kanyang mga fans at followers ang kasiyahan na kanyang nararamdaman dahil sa patuloy na pag ganda ng takbo ng mga negosyo nilang mag-asawa.
“Humble beginnings nagsimula sa 1, naging 2, naging 3 hanggang sa dumami na”, ang naging pahayag ng dating dancer. Kalakip nga ng saad niyang ito ay ang larawan ng kanyang mga tauhan na abala sa pagpa-pack ng napakarami mga orders ng kanilang mga customers.
Maituturing na nga si Lovely ngayon na isang bigating negosyante, dahil sa patuloy na pag-unlad ng mga negosyong naipundar nila ng asawa niyang si Benj Manalo. Nagsimula man nga siya sa mababa, ngayon nga ay tinatamasa na niya ang pag-angat sa buhay dahil sa kanyang kasipagan, dedikasyon, at tiyaga sa bawat hamon at biyaya na dumarating sa kanyang buhay.