Isa Si Janine Gutierrez Sa Mga Aktres Na Bagay Gumanap Na Valentina Sa Television Seryeng Darna

Isa sa mga napipisil ngayon na gaganap bilang ang karakter ni Valentina, sa upcoming series na ‘Darna’ na pagbibidahan ni Jane De Leon, ay ang aktres na si Janine Gutierrez. Ito ay matapos ngang makumpirma, na ang nasabing aktres, ay magiging parte na ng ABS-CBN network.




Ikinagulat nga ng maraming mga tagahanga ni Janine Gutierrez, ang naging balitang lilipat na ang aktres sa Kapamilya network, matapos ang siyam na taon niyang pagiging isang aktres sa GMA-7, na nagsilbi na ring kanyang pangalawang tahanan.

Photo Credit: janinegutierrez/Instagram

Sa kabila ng balitang ito, ay hindi naman nawala ang suporta kay Janine ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta, at marami nga sa kanila, ang excited na sa magiging paglipat ng aktres, at sa mga magiging proyekto nito sa ABS-CBN.

Photo Credit: janinegutierrez/Instagram

Ngunit hindi nga naman lahat, ay excitement ang nadarama para sa magiging paglipat ng aktres sa kabilang network, dahil may ilan na hindi mapigilan ang mag-alala para sa kanyang naging desisyon sa lumipat sa ABS-CBN, sa kadahilanang kontrobersyal na pag-shut down nito noong buwan ng Hulyo taong 2020.

Photo Credit: janinegutierrez/Instagram

Ilang mga ulat naman ang nagsabi, na walang dapat ipangamba ang mga tagahanga at tagasuporta ni Janine Gutierrez, dahil kapag nayari na ang contract singning ng aktres sa ABS-CBN puno na umano agad ang schedule nito sa ABS-CBN, at may mga proyekto na rin na nakapila para kay Janine.

Photo Credit: janinegutierrez/Instagram

Lumabas din ang bali-balita na may isa na siyang teleseryeng gagawin, at siya ang gaganap bilang leading lady sa seryeng ito, ngunit wala pang anumang detalye ang inilalabas patungkol dito.

Photo Credit: janinegutierrez/Instagram

Isa rin nga si Janine sa mga pinagpipiliang aktres, na gaganap sa Valentina sa Darna, ngunit wala pa din sa kanyang management ang nagkukumpirma, kung siya ba ang napili sa nasabing role na ito.

Photo Credit: janinegutierrez/Instagram

Ang ilan nga sa mga Kapamilya stars na pinagpipilian na gaganap bilang Valentina, ay sina Ivana Alawi at Denise Laurel.

Photo Credit: janinegutierrez/Instagram

Samantala, batid ng marami sa atin, na may karanasan na si Janine na gumanap sa mga ganitong uri ng karakter, dahil minsan na siyang gumanap bilang ang ‘Dragon Lady”, na isa sa mga naging proyekto niya noon sa GMA-7.

Matatandaan naman na ang lola ni Janine na si Pilita Corales, ay gumanap na din bilang si Valentina sa Darna: Ang Pagbabalik noong taong 199, na pinagbidahan naman noon ng aktres na si Anjanette Abayari.

Ayon naman sa isang journalist na nagngangalang Gorgy Rula, isa umano sa mga bagay na nakikita niyang rason, kung bakit hindi na nag-renew pa ng kanyang kontrata si Janine sa GMA ay dahil sa pagiging vocal nito noong mga nagdaang araw, tungkol sa mga isyu political.

“Hindi lang kami sure, kung totoo nga ang nasagap namin, pero kaya raw hindi na siya ini—renew ng GMA-7 dahil sa pagiging political daw ng aktres.

Sa pagkaka-alam ko, ayaw talaga sana ng GMA-7 ang mga artistang mapulitika, ‘yung mahilig sumawsaw sa mga isyu, lalo na sa isyung pulitika. Mas tahimik, mas safe dahil hindi mo naman linya iyon”, saad ng journalist.




Ngunit ano man ang dahilan ang paglipat ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN, ay isa lang ang paniguradong hiling ng kanyang mga taga suporta at tagahanga, ito ay ang patuloy pa ring maging maganda ang takbo ng karera ng kanilang idolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *