Isabel Oli “Looking Young” Sa Kanyang Edad Ngayon Na 41 Taong Gulang

Nito lamang nakaraang ika-20 ng Oktubre ay nagdiwang na ng kanyang ika-40 taong gulang na kaarawan ang aktres na si Isabel Oli. At para markahan nga ang espesyal na araw sa kanyang buhay, kung saan ay kanya ngang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan, ay ibinahagi ni Isabel sa kanyang social media account ang kanyang mga nagagandahang larawan na nagpapakita na edad lamang niya ang tumatanda dahil sa wala pa rin ngang bakas ng pag-tanda ang kanyang napakagandag mukha.




Hindi nga magpahahalataan na nasa edad na 41 na si Isabel. Tila nga siya’y nasa 20’s pa rin ang edad, sa kabila din ng pagkakaroon na niya ng tatlong anak sa asawa niyang si John Prats. Sa mga larawan ni Isabel, ay makikitang nakasuot siya ng black-leather jacket na kanya ngang tinernuhan ng maong pants na ang kulay ay may pagka light blue. Maliban sa kanyang ‘ageless beauty’ ay iibinida din niya ang kanyang napakagandang hubog ng pangangatawan na walang anumang bakas na siya ay nagkaroon na ng anak.

Image Credit via Google

Marami naman ang pumuri sa mga larawan na ito ni Isabel, kabilang na nga ang kanyang kapwa aktres na si Alessandra De Rossi, na nagkomento nga ng “Parang 19 pa rin! Kainis ka!” Samantala, sa magkaibang post naman ni Isabel ay kanyang ibinahagi ang kanyang pasasalamat sa Diyos sa buhay na ipinagkaloob sa kanya at sa lahat ng biyayang kanyang natatanggap. Ipinagpasalamat din niya ang pagbibigay sa kanya ng isang mapagmahal na pamilya, lalo na ang kanyang asawa at mga anak.

Image Credit via Google

Dagdag pa niya, “Thank you for giving me a Daytia and Prats family. A very special mention for my ever-loving, patient, kindhearted husband, @johnprats, to our kids @featherprats @freedomprats @forestprats who are the light and joy of our home. You made my heart full and complete by bringing them into my life. You have given me so much. I know I can’t thank enough, Lord.”

Image Credit via Google




Ibinahagi rin ni Isabel ang kanyang dasal at hiling para sa kanyang ika-40 taong kaarawan.
“As I celebrate another year, I pray for love, peace, and joy to fill everyone’s hearts as we continue to face the uncertainties this pandemic brings. Praying fervently too, that all these will come to an end. Cheers on my 40th“, saad ng ani Isabel.

Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *