Isabelle Daza Masayang Ibinahagi Na Magkaka-2nd Baby Na Sila Ng Kanyang Asawang Si Adrien Semblat

Maliban sa aktres na si Kristine Hermosa, na noong nakaraang linggo lamang ay ibinalita na buntis siya sa magiging ika-lima nilang anak ng kanyang asawang si Oyo Boy Sotto, ay isa pa ring celebrity actress ngayon, ang masaya ring ibinahagi na siya ay buntis at ito nga ay ang magiging ikalawa nilang anak ng kanyang asawa.




Ang aktres ngang ito na buntis rin tulad ni Kristine Hermosa ay ang dating “Eat Bulaga” Dabarkads na si Isabelle Daza.

Photo Credit: isabelledaza/Instagram

Sa Instagram ng Tv host-actress, ay ibinahagi nito ang masayang balita na sila ng kanyang asawa na si Adrien Semblat ay magkakaroon na ng kanilang 2nd baby.

Photo Credit: isabelledaza/Instagram

Makikita na ibinahagi ni Isabelle, sa kanyang Instagram ang larawan niya na kitang-kita na ang lumalaki na niyang baby bump. Maliban pa rito ay inihayag rin ng aktres, ang tungkol sa “Recess”, ang bagong line ng kanilang activewear.

Photo Credit: isabelledaza/Instagram

“We wanted to create a maternity legging that was inclusive of all lifestyles (even lying on the couch) at an affordable price. BTW, 21 weeks today”, ang naging caption ni Isabelle sa kanyang IG post.

Photo Credit: isabelledaza/Instagram

Marami namang mga kaibigan ng mag-asawa ang nagpa-abot ng mensahe sa kanila, para sa panibagong biyaya sa kanilang pamilya. Ang ilang mga celebrity naman ay pinusuan at ni-like ang IG post ni Isabelle.

Photo Credit: isabelledaza/Instagram

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga kaibigan ng mag-asawa sa showbiz;
“Congratulations! (heart emoji). Or are you just busog?”, ang naging komento ni Ryan Agoncillo.

Photo Credit: isabelledaza/Instagram

“I can’t wait to meet baby Semblat number 2!!!!, sey naman ng isa sa mga BFF ni Isabelle na su Raymond Gutierrez.




“Yaaay! More babies! Congratulations!”, ang komento naman ni Mariel Padilla.
Samantala, ang unang anak ng mag-asawang Isabelle at Adrien na si Balthazar “Baltie” Semblat , ay mahigit dalawang taon na, at habang ito ay lumalaki ay mas kinakikitaan pa ito na magiging isang matinee idol kapag ito ay nagbinata, dahil sa tagay nitong kakyutan.

Si Isabelle Daza ay ikinasal sa kanyang asawang si Adrien Semblat, isang French businessman noong ika-10 ng Setyembre 2016, sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *