Isang 17-Taong Gulang Na Pinay Kinabiliban Ng Buong Mundo Dahil Sa Ipinamalas Na Husay Sa Computer Programming

Parte na ng buhay ng tao ngayon ang pag-gamit ng mobile phone o computer, ang mga ito nga ay tunay na maraming gamit sa ating pang-araw araw na buhay kagaya na lamang ng pakikipagkomunikasyon, gamit sa ating trabaho o pag-aaral, o di kaya naman ay nagbibigay libangan sa atin, dahil sa mga games o apps nito.




Marahil ay marami sa atin ang hindi nakakaalam na ang mga nagagamit natin na softwares, applications, websites o iba’t ibang games sa ating computes o mobile phone at dahil sa tinatawag na coding. Ang coding ay ginagawa ng mga taong may taglay na husay pagdating sa computer programming.

Image Credit via Google

Samantala, isang 17-taong gulang na Pinay ang ngayon ay kinabibiliban ng buong mundo dahil sa kanyang kahanga-hangang husay sa computer programming o coding, at ito nga ay kinilalang si Isabel Sieh, na mula sa Antipolo City. Ang mga katulad ng ani Isabel na mahusay sa coding ang nagde-develop ng mga kinagigiliwan at ginagamit natin na sofrtwares, applications, webistes at games sa ating mga computer o mobile phone.

Image Credit via Google

Ang talento ni Isabel sa coding ng websites ay kinilala sa buong mundo sa Interesting Engineering, kung saan isa siya sa mga “7 Famous Computer Programmer Who Started Programming at an Early Age.”

Image Credit via Google

Hindi nga basta-basta ang mga pangalan ng nakahanay ni Isabel sa nasabing listahan dahil kabilang sa mga ito ang mga gumagawa ng tech-giant companies, kagaya na lamang nina Bill Gates ng Microsoft at ni Mark Zuckerberg ng Facebook.

Image Credit via Google

Tunay namang nakakabilib ang galing ni Isabel sa coding, ngunit paano nga ba nagsimulang matuto ng coding ang 17-taong gulang na Pinay?

Ayon sa naging pagsasalaysay ni Isabel sa isang isang artikulo na inilabas ng website na Grid noong taong 2021, isa sa kanyang teacher ang humikayat sa kanya na subukan ang pag-coding, ito nga ay noong makataan siya nito ng interes sa Math nu’ng siya ay 10-taong gulang pa lamang.

Kaagad namang naghanap si Isabel ng magtuturo sa kanya ng coding, kung saan ay isa nga itong online course, ito ay ang Code Academy, at ito nga ang nagbigay sa kanya ng resources upang mas matutunan at maintidihan niya ang coding.

Ilan nga sa natutunan niya sa nasabing website ay ang HTML (Hyper Text Markup Language), CCC (Common Command Set) at Java Script. Ang mga languages na ito a y itinuturing na “building blocks of the Web”, ito ay ayon nga sa website na freeCodeCamp.org. Sa madaling salita, sa mga ito nga nagsimula ang lahat ng mga nagagamit natin sa ating mga computer o mobile phone.

Pagbabahagi pa ni Isabel, mas lalo pang lumalim ang interes niya sa coding dahil sa pagkamangha niya sa maari niyang malikha sa pamamagitan nito, kagaya na lamang nga ng paglikha ng sarili niyang laro sa mobile phone, kaya naman talagang nagpursige siya na matutunan pa lalo ang lahat ng pasikot sikot ng coding.

“It was really interesting to me because I saw how could I create whatever I wanted. At the time, I loved playing games on my phone, and suddenly realized that I had the power to create those games that I loved”, ani Isabel.

Si Isabel ay gumawa rin ng isang kumunidad na ang layunin ay maturuan ag mga Pinay teenager’s ng coding upang mapaliit ang information technology (IT) gender gap, ito nga ay tinawag niyang “Girls Will Code.” Sa adhikain na ito ni Isabel ay katulong niya ang ilan sa mga giant IT companies, tulad ng Google at Accentures.




Maliban pa dito, ayon din sa ilang mga ulat na lumabas, noong 14-taong gulang si Isabel ay nakapagpatayo na siya ng satili niyang coding school na hanggang ngayon nga ay bukas pa rin, ito nga ay ang “The Coding School.”

Sa kabila ng kanyang kaalaman na sa coding, ay nais pa ni Isabel na palawakin pa ito kaya naman sa ngayon ay kumukuha siya ng kursong Computer Science sa Stanford University sa Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published.