Isang 23-Taong Gulang Na Ina Matiyagang Sabay Sabay Na Inaalagaan Ang Labing Isang Sanggol

Marami sa atin ang nangangarap na maikasal, ang magkaroon ng isang nakakatawang habang buhay, at syempre ang bumuo ng pamilya kasama ito, at magkaroon ng mga anak.
Samantala, kung ikaw ba ay tatanungin ilang anak ba ang gusto mo sa iyong pamilyang bubuuin?




Marahil sa panahon ngayon, kung saan ay talaga namang masasabi natin na napakahirap na ng panahon ay mas naiisip natin na pagiging praktikal na sa buhay ang magkaroon ng kaunti lamang na mga anak, kung saan ay tama na nga ang dalawa o tatlo.

Image Credit via Google

Ngunit sa kabila nito, ay mayroon pa rin naman na iba, na mas nais ng isang malaking pamilya, at nais nga ng anak na marami. Katulad na nga lamang ng mag-asawa, na talaga namang kamamanghaan dahil sa sila’y mayroong labing isang sanggol, na halos sunod sunod ng ang pinanganak.

Image Credit via Google

Kung ang iba ngang magulang ay talaga namang hirap na palakihin at alagaan ang kanilang mga anak, ang mag-asawa namang ito, ay enjoy sa pag-aalaga sa kanilang labing isang sanggol.

Image Credit via Google

Ayon sa ulat, ang mag-asawang ito ay mula sa bansang Russia, at ang plano talaga nila ay ang magkaroon ng 105 bilang na mga anak! At ngayon nga ay mayroon na silang 11 na anak.

Image Credit via Google

Makikita nga sa mga larawan ng pamilya, na tila magkaka-edad lamang ang mga sanggol, na marahil ay ipinagtataka ng marami sa atin kung paano itong mangyayari.
Nagawa nga umano ng mag-asawa na magkaroon ng labing isang sanggol na magkaka-edad lamang ang laki, sa tulong ng pagkakaroon ng mga ito ng “surrogate mother.”

Image Credit via Google

Sa pag-aaral, ang “surrogate” ay ang pagdadala ng sanggol ng isang babae sa kanyang sinapupunan, sa kabila ng ito ay sanggol ng iba.

Image Credit via Google

Ang unang baby umano ng mag-asawa ay ipinanganak noong ika-10 ng Marso taong 2020, samantalang ang bunso naman sa kanilang labing isang sanggol, ay isinilang noong ika-16 ng Enero sa kasalukuyang taon.

Ang ina nga ng labing isang sanggol na kinilalang si Christina Ozturk ang matiyagang nag-aalaga sa mga ito. Kwento ng ni Christina, ay plano talaga nila ng kanyang asawang si Mer na pagbaybay ng sunod sunod, ngunit ito nga ay hindi kaya ng kanyang reproductive activity.

Mabuti na nga lamang umano ay natulungan sila ng isang klinica kung ano ang mas maganda nilang gawin, upang matupad ang pangarap nila na magkaroon ng sunod sunod na mga anak.

“The clinic in Batumi chooses surrogate mothers for us and takes full responsibility for the process’, ang naging kwento ni Christina.




Dagdag pa nito, “We are not personally acquainted with surrogate mothers and do not have direct contacts with them in order to avoid problems after pregnancy.”
Base sa source, isa sa labing isang anak nina Christina at Mer, ay anak ni Cristina sa kanyang dating partner.

Sina Christina at Mer ay nagkakilala ng sila’y magkita habang sila ay nagbabakasyon, at doon na nga rin nagsimula ang kanilang naging nagkakamabutihan hanggang sila nga ay maging magkarelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *