Isang 24-Anyos Na Binata Mula Sa Tanauan, Batangas At Nagpakilalang Anak Ng Aktor Na Si John Regala

Kamakailan nga lamang ay naging viral online ang dating aktor na si John Regala. Ito ay matapos magbahagi ng mga larawan ng aktor ang isang netizens, kung saan ay makikita sa mga larawan na humihingi ng tulong si John dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan ngayon.




Ayon nga sa naging viral post, ang dating kilala bilang kontrabidang aktor ay naghahanap at nangangailangan ngayon ng nurse na mag-aalaga sa kanya. Dahil rin sa pangangailangan ni John ng tulong pinansyal para sa kanyang medical condition na kinakailangan ng gamutan ay pinili ng dating aktor na lumapit kay Raffy Tulfo.

Image Credit via Google

Sa naging pag alis ng ang dating aktor sa telebisyon at pagbibigay ng mensahe na siya ay nangangailangan ng tulong para sa kanyang kalusugan, ay nabanggit rin nito na siya ay nag-iisa na lamang ngayon dahil sa iniwan na siya ng kanyang asawa.

Image Credit via Google

Samantala, isang binata naman na mula sa Tanauan, Batangas ang nagpakilala at nagsabi na siya ay anak ng aktor na si John Regala, at ang binatang ito ay nakilala bilang si John Santos, isang 24-anyos na binata. Batay sa ilang mga source, ang ina umano ni John Santos na si Vilma Santos ay nakilala ni John Regala sa Japan, kung saan ay isa itong entertainer doon.

Image Credit via Google

At doon nga ay nagkaroon ng relasyon ang dalawa, at ang binatang si John Santos umano ang naging bunga na noon ay hindi tinanggap ng aktor ng sabihin ni Vilma na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito.

Image Credit via Google

Si John Santos ay ipinanganak at lumaki umano sa Japan hanggang siya ay tumuntong sa 7-taong gulang, bago siya inuwi ng kanyang ina sa Pilipinas at ip aalaga sa kanyang lola sa Batangas kung saan siya ngayon naninirahan.

Image Credit via Google

Matapos nang mapanood ni John Santos ang balita tungkol sa kalagayan ng kalusugan ni John Regala, ay ninais niya ito agad na makita at makilala upang masamahan ito sa pinagdaanan nito.

Image Credit via Google




Marami naman ang nagsasabi na tila si John Regala nga ang tunay na ama ni John Santos, ito ay dahil sa pagkakahawig nilang dalawa. At kung nais nga ng dating aktor na malaman ang totoo kung anak niya ba talaga ito.

Image Credit via Google

Habang maari pa at hindi pa huli ang lahat ay maaari naman silang dalawa magpa-DNA test. Sa paglabas nga ni John Santos sa publiko at pagpapakilala nito bilang anak ni John Regala ay naging usap-usapan ang binata at nakuha nito ang pansin ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *