Isang Ama Ang Naghamon Sa Anak Na Magpapayat Kapalit Ang Sampung Libong Piso Bilang Motibasyon

Sa panahon ngayon ay marami nga naman sa ating mga kababayan ang nagnanais na magkaroon ng healthy lifestyle, lalo na ang mga sumobra na sa timbang. Kaya naman upang ma-achieve ang lifestyle at timbang na nais nila, ay talaga namang iba’t ibang paraan at motibasyon ang kanilang ginagawa.




Maliban pa dito, ilan pa sa mga dahilan ng mga nais magpapayat ay ang makapag suot ng mas maliit na size ng damit, mag swimsuit sa beach ng hindi na ba-bash, o kaya naman ang iba kaya nagpapayat ay para sa isang pinaghahandaan na okasyon,katulad na lamang ng pagpapakasal o pag-debut.

Image Credit via Google

Batid rin natin na sa panahon ngayon ay marami na sa mga kabataan ang talaga namang napapabayaan na ang kanilang pangangatawan, at ang iba nga ay sumosobra sa timbang. Kaya naman may ibang mga magulang, na upang bigyan ng motibasyon ang kanilang mga anak na magpapayat, ay binibigyan ito ng reward.

Image Credit via Google

Kaugnay nito, mayroon ngang isang ama kamakailan lamang ang nagbahagi sa social media kung ano ang ibinigay niyang motibasyon sa kanyang anak na magbawas na ng timbang o magpapayat, ito nga ay dahil sa napapansin niya na lumulubo na ang pangangatawan nito.

Image Credit via Google

Ibinahagi nga ng naturang ama ang isang papel na may nakasulat na “Agreement”, kung saan ang nilalaman nga nito ay ang hamon niya sa kanyang anak, at ang ibinigay niyang reward dito kapag ito ay matagumpay nitong nagawa.

Image Credit via Google

Maliban dito ay nagbahagi rin siya ng larawan niya at ng kanya ngang anak na kanyang hinahamon sa pagpayat. “See you in 5 months baboom! Mapapasaya kaya ang 10k? Abangan!!!! Ang naging caption nga ng ama na kinilalang si Eric De Jesus.

Image Credit via Google

Batid ng ani Eric na isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng maraming kabataan ay ang mabilis na pagtaas ng kanilang timbang, kung kaya naman naisipan niya na bigyan ng motibasyon ang anak upang mahikayat ito na magbawas ng timbang.

Sa nasabi ngang ‘agreement paper’ ng ma-ama ay nakalagay na dapat mula sa current weight na 69 kilos ng kanyang anak ay kinakailangan itong bumaba sa 50 kilos sa loob lamang ng limang buwan.

Nakalagay rin sa kasulatan, na kapag ito nga ay napagtagumpayan ng kanyang anak, ay tumataginting na sampung libong piso ang magiging reward niya para dito. May mga saksi rin na nakaperma sa kasunduan nilang ito, at pareho rin silang may lagda.

Tinanggap nga ng anak ni Eric na si Jelani ang hamon ng ama, kung saan hindi nga lamang ang reward nito na pera ang ginagawa niyang motibasyon kundi maging ang sarili niya ring kagustuhan na magbigay inspirasyon sa kapwa niya kabataan na sa malaon ay maisipan na nga ang magbawas ng timbang upang mas maging malusog ang pangangatawan.

Kinagiliwan naman ng maraming mga netizens ang naging pamamaraan ni Eric upang mahikayat ang anak na magbawas ng timbang, kung saan ang post nga niyang ito ay talagang nag-viral na din at umani na ng napakaraming likes at reaksyon mula sa mga netizens.




Sa panahon ngayon kung saan marami na ngang mga tao ang nakararanas ng sobrang timbang na nagiging sanhi rin ng pagkakaroon ng karamdaman ay kinakailangan nga talaga ng tamang pagdidyeta, at upang matagumpay nga ng magawa ang pagpapayat ay kailangan ng motibasyon at inspirasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *