Isang Amang Mangingisda Ang Proud At Masayang Pinagtapos Ang Anak Na Nakasungkit Ng Karangalang Magna Cum Laude

Ang pagkakaroon ng mataas na edukasyon o ang makapagtapos nga sa pag-aaral ay isa lamang sa mga pinapangarap ng marami sa atin. Ngunit dahil sa pahirap ng pahirap ang buhay ngayon, ay naapakarami ring mga estudyante ang hindi nakakapagtapos ng kolehiyo,




kaya naman maituturing na maswerte ang mga kabataan na nabibigyan ng pagkakataon na makapag-kolehiyo dahil sa mas malaki ang oportunidad nila na magkaroon magandang trabaho para maging maganda ang kanilang kinabukasan.

Image Credit via Google

Samantala, ilang mga kuwento na rin ng buhay ng isang estudayante na matagumpay na nakapagtapos sa kolehiyo kahit hirap sa buhay ang ating natunghayan, kung saan nga ay naghatid ito ng inspirasyon para sa ibang mga mag-aaral na huwag basat sukuan ang pangarap na magkaroon ng mataas na edukasyon upang magkaroon ng magang kinabukasan sa hinaharap.

Image Credit via Google

At muli, ay isa na naman ngang istorya ngayon ang ating matutunghayan na nagpatunay nga na walang imposible sa isang tao na pursigido na makamit ang kanyang pinapangarap sa buhay, at ito nga ang naging kuwento ng 20-taong gulang na dalaga na si Regine Villamejor.

Image Credit via Google

Ayon sa ulat, si Regine ay sinusuportahan ng kanyang ama na isang mangingisda , na kahit maliit lamang ang kinikita nito ay nagawa niyang mapagtapos ang kanyang anak sa kolehiyo.

Image Credit via Google

Bilang anak naman, ay proud na proud si Regine sa kanyang mga magulang, dahil sa kabila ng hirap ng buhay ay iginapang ng mga ito ang kanyang pag-aaral. Saad nga ni Regine, ang kanyang mga magulang ang kanyang naging inspirasyon upang maging magpursige na matapos ang kanyang pag-aaral.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ng 20-taong gulang na dalaga, na ang hanap buhay ng kanyang mga magulang ay hindi stable, dahil ang kinikita ng mga ito ay nakadepende sa kung gaano karaming isda ang nahuhuli nila depdende sa panahon.

Image Credit via Google

Dagdag pa niya, kapag kalmado ang dagat ay kumikita ang mga magulang niya ng P700 sa isang araw, ngunit kapag maalon ay may pagkakataon talagang hindi nakakapangisda ang kanyang ama, kaya naman talagang agad siyang namulat sa kahirapan ng kanilang buhay.

Image Credit via Google

at dahil nga dito ay nagsumikap siya sa kanyang pag-aaral, upang kapag siya’y nakapagtapos na at nagkaroon ng maayos na trabaho, ay mas mabibigyan niya na ng mas maayos na buhay ang kanyang mga magulang.




Si Regine ay nag-aral at nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Liberal Arts & Commerce Major in Communication & Marketing sa University of Jose – Recoletos, sa Cebu City. Kung saan ay talagang naging galak nga ng kanyang mga magulang ang matagumpay niyang pagtatapos, lalo pa’t maliban sa diploma ay mayroon rin siyang parangal na nakuha, at ito nga ay ang pagiging isa niyang Magna Cum Laude.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *