Isang Australianong Street Vendor Ang Hinahangaan Ng Mga Netizens Dahil Sa Kasipagan Na Ipinapamalas Nito

Marami sa ating mga kababayang Pinoy ay ang pagiging isang street vendor ang hanap-buhay, kaya naman dito sa ating bansa ay marami tayong makakasalamuha na mga street vendor sa iba’t ibang mga lugar.




Samantala, kamakailan nga lamang ay naging agaw-pansin sa mga netizens ang isang street vendor na banyaga, at ito nga ay isang Australiano.

Image Credit via Google

Ayon sa ulat, kinabibiliban ngayon ng marami ang Australianong street vendor dahil sa mas pinili nito ang mamuhay ng simple at maging isang street vendor sa Pilipinas kasama ang napangasawa niyang Pinay sa kabila ng pagkakaroon nito ng magandang trabaho sa sarili nitong bansa.

Image Credit via Google

Makikita nga sa night market ang nasabing Australiano na street vendor, at kasama niya ang kanyang asawang Pinay na nagtitinda ng burger, shomai, chillies at iba pa.

Image Credit via Google

Ang larawan nga na ito ng Australianong streey vendor ay ibinahagi ng Pinoy netizens na kinilalang si Rio Rivera, dahil ayon sa kanya ay talaga namang namagha siya ng makita sa kanilang bayan ang isang foreign national na naghahanap-buhay sa night market bilang street vendor.

Kinilala ang naturang Australiano na si Adam Barry, isang Australian netizen na mula sa Adelaide, Australia. Ayon sa ulat, sa sariling bansa ay isang aircraft engineer sa isang airline company si Adam Barry sa loob ng 24-taon.

Ngunit matapos nga nitong makapag-asawa ng Pinay, ay maaga itong nagretiro sa kanyang magandang trabaho, at mas pinili nga ang mamuhay ng simple dito sa Pilipinas kasama ang kanyang asawa.

Hindi naman umano pinagsisihan ni Adam ang naging desisyon niya na ipagpalit ang maganda niyang trabaho sa ibang bansa, dahil masaya umano siya sa simpleng buhay nila ngayon ng kanyang asawa.

“No regrets at all coming to Philippines. The life we have here, the cat, the food cart, and it’s good life”, ani nito. Ang Pinay na kinilala namang si Cherry ang napangasawa ni Adam, at ito ay isang dating OW sa bansang Malaysia.

Sa naging pahayag ni Cherry, sa isang ‘dating site’ sila nagkakilala ni Adam, kung saan dito na rin nabuo ang magandang pagtitinginan nilang dalawa hanggang sa sila nga ay maging mag-asawa.

Para kay Cherry ay isang mabuting asawa si Adam, at talaga namang napakasipag nito, dahil hindi lang siya nito tinutulungan sa hanap-buhay kundi maging sa mga gawain sa kanilang bahay.




“He is different. Adam works hard, help me at home, and when things go wrong, we talk’, pagbabahagi ng Pinay na napangasawa ni Adam.

Ayon nga sa netizens na nagbahagi ng patungkol kay Adam na si Rio, ay talaga namang ikinamangha niya na makakita ng banyagang Australiano sa nilang bayan na naghahanapbuhay bilang isang street vendor.

Kinaaliwan naman ng iba pang mga customer si Adam, dahil sa kitang-kita naman sa kanya kung gaano siya ka-enjoy habang nagluluto ng kanyang paninda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *