Isang Bagets Na Pinay Ang Nanalo Sa Contest Ng Google!

Marami sa ating mga Pilipino ang hindi masyadong nadiskubre ang mga kakaibang kakayahan dahil hindi nabibigyan ng tamang alokasyon ang mga paghahasa ng abilidad ng mga kabataan. Kakaunti lamang ang mga institusyon na pinopokusan ang abilidad ng mga kabataan. Bagama’t libre na ang edukasyon, may mga panukala pa ding dapat isabatas upang mabigyang pansin ang paghasa sa kakayahan ng mga kabataan.




Katulad na lamang ni Irish Danielle Morales na isang high school student. Nitong nakaraang Oktubre lamang ay isa si Irish sa mga maswerteng nanalo sa Code-In Contest ng Google kasama ang 54 pang mga nagwagi mula sa iba’t-ibang bansa. Sa halos higit 3,000 mga lumahok mula sa 77 na bansa, isa si Irish sa nanalo sa nasabing kompetisyon.

Hindi pa raw naniniwala si Irish nang matanggap niya ang email mula sa Google. Ayon pa kay Irish, nag sink-in raw lahat sa kanya nang mag-announce na ang Google noong January na lahat ng nanalo ay makakapunta sa opisina ng Google sa California sa Amerika. Dito ay may pagkakataon siyang makilala at makisalamuha ang mga inhinyero sa likod ng Google.

Pero hindi biro ang pinagdaanan ni Irish bago niya makamit ang tagumpay. Kinakailangan niyang magising ng maaga para magpasa ng mga tasks na binibigay sa kanya ng kompetisyon. At dahil nga magkaiba ang oras ng Pilipinas sa Amerika, kinakailangan niya ring magpuyat para bantayan ang mga resulta ng kanyang ginawang task.

Bagamat nasa sekondarya pa lamang, nais raw ni Irish kumuha ng Computer Science sa kolehiyo. Sa katunayan, hindi na rin bago si Irish sa mga ganitong gawain dahil palagi na rin raw siyang nilalaban sa mga kompetisyon pagdating sa mga ganitong uri ng bagay.
Isa lamang itong patunay na hindi basta-basta ang kakayahan ng mga Pilipino. Patunay rin ito na kaya nating makipagsabayan sa mga banyaga pagdating sa mga ganitong aspeto.
Proud kami sa’yo, Irish!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *