Isang Batang Pulubi At Isang Aso Ang Magkayakap Na Nakatulog Sa Bangketa

Marami na tayong nakitang mga litrato at mga video kung saan walang habas na sinasaktan at mawawalan ng buhay ng mga tao ang mga kawawang hayop. Maliban pa rito, marami na rin tayong nakikitang mga aso at pusang naging palaboy na sa kalye at sa mga daan. Dahil walang among nag-aalaga sa kanila, kinakailangan nilang maghanap na lamang ng mga makakain sa basurahan. Marami ring mga aso at pusa ang binabawian na lamang ng buhay sa daan dahil sa kawalan ng pagkain at nutrisyon.




Talamak rin ang iligal na pagkakatay ng mga aso ngayon para lamang gawing ulam at ibenta. Pero lingid sa ating kaalaman, sinusuklian ng mga aso ang pagmamahal na binibigay natin sa kanila. Hindi rin nila binabase ang kanyang katapatan sa antas ng iyong pamumuhay o sa kapasidad mong bumili. Basta’t alagaan mo siya, aalagaan ka rin niya.

 

Patunay ang litrato na ito tungkol sa mga aso. Nag Trending kasi sa social media ang litrato na ito na nakunan ng isang netizen matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook account. Mas lalong nag viral ito ang i-share ito ng isang sikat na Facebook page. Makikita sa litrato ang isang batang pulubi na natutulog sa bangketa habang katabi niya ang kanyang aso. Magkayakap ang dalawa sa kanilang pagtulog kung kaya’t naisip ng netizen na kunan sila ng litrato at ibahagi sa social media.

“A dog doesn’t care if you are rich or poor. All he knows is that he loves you very much,” caption ng netizen na si Gen Pilar sa kaniyang Facebook post. Nakakatuwa na sa murang edad, nakuha na agad ng batang ito ang katapatan ng isang aso. Bagama’t hindi gaano pinalad sa pera, mapalad naman ang bata na mayroon siyang isang tapat na kaibigan na handa siyang samahan sa hirap at ginhawa. Mapalad rin ang aso dahil mayroon siyang isang mabait na amo na kahit walang kakayahang bumili ng mamahaling pagkain para sa kanya ay minamahal talaga siya.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *