Isang Biik Ang Ipinanganak Ng May Dalawang Ulo At Tatlong Mata

Minsan lamang tayo makakita ng mga bagay at mga pangyayaring kakaiba. Hindi araw-araw ay nakakakita tayo ng mga ganitong pangyayari. Pero salamat sa modernong teknolohiya, maaari na nating makita ang mga kakaibang mga pangyayari. Sa pamamagitan ng Facebook, at Youtube, may mga netizens na pagbabahagi ng mga litrato at video kung saan ipinapakita nito ang mga kakaibang mga bagay o pangyayari. Ito na rin ang naging daan upang matuklasan ng mga bigating networks ang mga kakaibang balita upang maipahayag sa madla.




Katulad na lamang ng balitang ito na ikinagulat ng maraming netizens. Nitong nakaraan lamang ay nag-viral sa social media ang litrato na nanggaling pa sa Calian, Sultan Kudarat. Ilang araw bago ang pagdiriwang ng Chinese New Year, ipinanganak ang isang baboy na may kakaibang itsura.

Kinagat ni Adelita Dalipe ang itsura ng panghuli ng biik na iniluwal ng kanyang inahing baboy sa Sultan Kudarat. Makikita sa video na kuha ng kanyang kasama sa bahay ang pang walong biik na iniluwal ng buntis na inahing baboy na may dalawang nguso, dalawang ulo, at tatlong mata. Bagama’t kakaiba, itinuturing ni Adelita na swerte raw ang hatid sa kaniya ng biik na ito kung kaya’t pinanganalan niya itong “Mara Clara.”

Marami ang nag-akala na baka hindi mabuhay ang biik ngunit sa kabutihang palad ay nasa maayos ang kalagayan. Sa katunayan, kayang sumipsip ng dalawang nguso ng nasabing biik, indikasyon na maayos ang kondisyon ng biik sa kabila ng kanilang sitwasyon. Ayon naman sa isang beterinaryo ng si Allan Alimajen, Jr., ang kondisyong kinasasangkutan ng biik ay tinatawag na Polycephaly.

Bagama’t ganito ang kondisyon, ang biik pa raw na ito ang pinakamasigla sa kumpara sa pitong unang biik na ipinanganak. Sinabi rin ni Adelita na mas pinagtutuunan niya ng pansin pagdating sa pag-aalaga ng biik na ito dahil sa kanilang kondisyon.
Sana ay manatiling malusog ang mga kakaibang nilalang na ito. Nawa’y magbigay rin sila ng swerte sa kanilang tagapag-alaga.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *