Isang Binata Ang Sumulat Ng Pagkahaba-Habang Love Letter Para Sa Kanyang Girlfriend

Pag-ibig ang isa sa mga pinakamakapangyarihang emosyon sa buong mundo. Ibang klase ang “effort” na ginagawa ng mga tao para sa kanyang minamahal. Ang ibang mga tao, simple lamang ang ginagawa para mapatunayan ang kanilang pagmamahal sa kanilang sa kasintahan, samantalang ang iba nama’y engrande. Gayunpaman, iisa pa rin ang dahilan kung bakit ginagawa nating mag-effort para sa ating kasintahan: pagmamahal.




Pero ano nga ba ang kaya mong suungin para sa iyong minamahal? Ano ang kaya mong gawin at ano ang kaya mong tiisin? Ito ang mga katanungan na ang makakasagot lamang ay nakadepende kung gaano tayo katapat sa ating pagmamahal sa ating kasintahan.

Noong unang panahon, para mapatunayan ng mga lalaki ang kanilang pagmamahal sa kanyang nililigawan, kinakailangan nilang mag-igib ng tubig, mag-sibak ng kahoy, at ligawan ang buong pamilya ng babaeng kanyang nililigawan. Maliban pa rito kinakailangan niya ring haranahin ang babae sa bahay nito. At dahil hindi pa uso ang mga makabagong gadgets noon, liham ang paraan ng komunikasyon ng mga magsing-irog noon. Uso pa noon ang mga “love letter” kung saan sa sulat nila dinadaan ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa.

Bagama’t makabago na ang panahon ngayon, mas pinili pa rin ng lalaking ito na idaan sa tradisyunal na paraan ang pagpapakita niya ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang minamahal. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, binahagi ni John Harvey Lictaoa sa lahat ang kanyang ginawang love letter para sa kanyang minamahal. Hindi ito ordinaryong love lette dahil nakasulat ito sa mga kartolinang pinagdugtong-dugtong.

Kaya kung titingnan ito, napakahaba ng kanyang ginawang love letter para sa kanyang minamahal. Ginawa niya ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang pangalawang monthsary bilang magkasintahan. Maraming mga netizens ang humanga at naaliw sa ginawa ni John Harvey dahil mas pinili niyang gamitin ang tradisyunal na paraan ng pagpapakita ng pagmamahal. Ikaw, paano mo ipapakita ang pagmamahal mo sa iyong kasintahan?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *