Isang Dalaga Ang Nagtitinda Ng Bibingka Ang Pinag-Uusapan Ngayon Dahil Sa Taglay Nitong Kagandahan

Isang dalaga na nagmula sa Cebu at nagtitinda ng bibingka ang pumukaw sa atensyon ng marami ngayon lalo na sa social media dahil sa pagkakaroon nito ng napakagandang mukha na pang-artistahin.

Image Credit via Google




Ayon sa ibang report na ating nakalap, ang larawan ng magandang dalaga ay ini-upload sa isang socmed page na Dark Room Cebu na pagmamay-ari ni Clark Laurent Dumon. Hindi umano maipaliwanag ng nag-upload ang taglay na angking ganda ng nasabing dalaga.

Kinilala ang magandang dalaga na ito na si Cristy Cuizon, 18-taong gulang at naninirahan sa Danao City. Si Cristy ay isang dalaga na nagtitinda ng bibingka sa kanilang lugar, at nitong nakaraan nga ay bigla na lamang siya naging usap-usapan sa social media dahil sa kanyang mga larawan na kuha ng isang netizens na nabighani sa kanyang taglay na kagandahan.

Image Credit via Google

“We went to Danao to take photos of our friends who joined in the motocross race. She had a rare beauty and she was a very accomodating vendor.” ang naging pahayag ni Dumon sa kanyang ibinahagi ng larawan.

Image Credit via Google

Ayon pa kay Dumon, ng makita niya ang dalaga ay nabighani agad siya sa taglay nitong ganda, kaya naman kinunan niya agad ito ng larawan at pinost ito online.

Ang larawan ngang ito ng dalaga na ipinost ni Dumon, ay agad na kumalat sa online at naging usap-usapan dahil kahit na walang make-up ang dalaga at nagtitinda lamang ito ng bibingka na nakasuot lamang ng simpleng kasuotan ay makikita sa mukha nito ang natural na ganda na kanyang tinataglay na talaga namang marami ang nabighani.

Marami rin ang nag komento, at ikinumpara ang ganda ng nasabing dalaga sa Primetime Queen na si Marian Rivera na diumano ay may pagkakahawig dito ang dalaga.




Makikita nga naman sa larawan ni Cristy, na kahit simple lamang ang kanilang kasuotan at walang kahit anong kolorete sa kanyang mukha ay talagang nagtataglay ang dalaga ng kagandahan na marami ang nabighani.

Talaga nga namang marami ang humanga sa angking kagandahang taglay ng bibingka vendor na si Cristy, kaya namang isang sikat na clinic sa Cebu ang nagbigay sa dalaga ng Free Service na kung saan ay mas lalo pang palilitawin ang kanyang angking ganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *