Isang Dalagang Flight Attendant Noon Proud Na Nagtitinda Ng Fishball At Kikiam Ngayon

Nang magkaroon ng krisis sa iba’t ibang panig ng mundo, ay marami ang labis na naapektuhan, lalo na nga ang kabuhayan ng ilang mga indibidwal. Isa naman sa trabahong labis na naapektuhan ng krisis ay ang mga nagtatrabaho sa industriya ng transportasyon, kagaya na nga lamang ng mga nagtatrabaho sa mga airlines company.

Image Credit via Google

Kagaya na nga lamang ni Leigh, kung saan apat na taon siyang nagtrabaho sa isang airline company bilang isang flight attendant, at sumasahod siya noon ng 50-70 thousand pesos, ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng krisis ay kabilang siya sa mga na-retrench.

Image Credit via Google

Sa pangyayaring ito, ay walang nagawa ang dalagang flight attendant, kundi tanggapin na lamang ang pagkaka-retrench niya sa trabaho. Naghanap na lamang din siya ng ibang mapagkakakitaan para patuloy na makatulong sa pamilya, sapagkat siya ay isang breadwinner.

Image Credit via Google

Ngayon nga ang dating flight attendant na si Leigh, ay nagtitinda ng mga street food sa kanilang lugar at proud siya sa hanapbuhay niyang ito dahil sa kabila ng malayo ang kinikita niya rito kumpara sa trabaho niya roon bilang flight attendant ay marangal na trabaho naman ito.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Leigh ng ma-retrench siya sa kanyang trabaho ay una agad niyang naisip ang kanyang mga magulang, at kung paano na ang kanyang pamilya, dahil sa breadwinner nga siya ay talagang sobrang hirap sa kanya ang nangyari.

Image Credit via Google

Ibinahagi namn ng dalaga na ang kanyang pinagkakakitaan ngayon na pagbebenta ng mga street food ay nag-umpisa sa puhunan na 15 thousand kasama na ang lahat ng mga gamit niya, kagaya na lamang ng lutuan at kun ano-ano pa.

Image Credit via Google

Sa negosyo nga niyang ito, ay kumikita umano siya ng 500 pesos sa isang araw, na sa kabila ng hindi permanente ang trabahong ito ay malaking tulong na rin umano ito para sa pamilya niya.

Maliban sa kanyang pinagkakakitaan ngayon, ay plano muli ni Leigh na mag-apply sa pagiging flight attendant sa iba’t ibang mga kumpanya. Marami namang mga netizens ang pinuri ang pagiging positibo ni Leigh sa buhay sa kabila ng nangyari sa kanya, at sa pagiging responsible nitong anak.




Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens; “There’s no shame in that. Ang importante naghahanapbuhay ng malinis.” “She’s just being humble at herself not unlike those other people who’s social climber though, So proud of her.”

“Dati rin akong flight attendant but sadly na layoff rin. Ngayon sa barista ako sa starbucks. Malayo ang sahod pero sab inga ni Drake. God’s plan.” “This is kind of person that would be successful in life. Very determined and hard work amidst everything she is going through. God bless this lady.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *