Isang Dalagang Naglalako Ng Banana Cue Ang Viral Online Dahil Sa Kanyang Angking Kagandahan

Sa sitwasyon natin ngayon kung saan dahil sa krisis ay marami ang mga kababayan natin ang nawalan ng hanapbuhay. Ngunit sa kabila nito ay makikita naman natin na sa kabila ng kahirapan ay patuloy pa rin silang gumagawa ng paraan upang mairaos ang pang-araw-araw nila lalo na nga’t kung ito ay para rin sa kanilang pamilya.




Ang iba pa ngang mag-anak, ay tulong tulong sa paghahanap ng mapagkakakitaan, kung saan maging mga anak ay ginagawa na rin ang tumulong sa kanilang mga magulang sa paghahanapbuhay sa simpleng paraan na alam nila.

Image Credit via Google

Halimbawa na nga lamang nito ay ang isang dalaga na nito lamang nakaraan ay nag-viral online, dahil sa kanyang pagtitinda ng sikat na pagkaing Pinoy na “Banana Cue”, ay maraming ga netizens ang nakapansin ng kanyang taglay na kagandahan. Kinilala ang naturang dalaga na si Yssa Nicole Nengasca, labing-anim na taong gulang.

Image Credit via Google

Ayon sa naging ulat ang in ani Yssa ay nagtatrabaho sa ibang bansa, ngunit naapektuhan rin ito ng krisis. Kaya naman upang makatulong sa mga gastusin nilang pamilya sa pangangailangan nila sa araw-araw ay napagdesisyunan ng dalaga na magbenta ng banana cue.

Image Credit via Google

Si Yssa ay isang Grade 11 sa Paaralan ng Norte Dame of Midsayap College, at naninirahan sa Brgy. Poblacion 2, Midsayap. Sa kanya ngang naging paglalako ng banana cue ay marami ang mga netizens na talaga namang hinangaan ang kanyang angking kagandahan.

Image Credit via Google

Dahil nga sa kanyang taglay na ganda na naging agaw-pansin sa madla, ay agad na nagviral ang mga larawan ni Yssa sa social media.

Image Credit via Google

At hind inga lamang siya hinangaan ng maraming mga netizens dahil sa kanyang taglay na magandang mukha kundi maging sa kasipagan din niya at pagiging isang mabuti at responsableng anak na nakaisip na tumulong sa gastusin ng kanyang pamilya sa simpleng paraan na kaya niya.

Para naman kay Yssa hindi niya ikinakahiya ang pagbebenta ng banana cue, dahil ito ay isang marangal na hanapbuhay. At sa kabila ng maliit lamang ang kinikita, ay malaki naman umano ang naitutulong nito para sa kanyang pamilya.




Umani naman ng iba’t ibang komento ang larawan ni Yssa dahil sa kanyang mala-artistang mukha, at hind inga umano inaasahan ng dalaga na magba-viral siya online.
Samantala, pinatunayan naman ni Yssa kung gaano siya katatag sa buhay lalo na sa ganitong sitwasyon kung saan ay maraming mga pagsubok na dumarating sa ating buhay.

Patunay din ito na dapat lagi dapat tayong handa na harapin at paglabanan ang lahat ng mga pagsubok na maari pang dumating sa buhay natin. Sa ganitong panahon rin ay mas kinakailangan na mas lalo pang magsumikap sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *