Isang Dating Pinoy Seaman Na Nakabihag Ng Puso Ng Isang Napakagandang 22-Anyos Na Finnish

Tunghayan natin ang kwento ng pag-iibigan ng isang dating Pinoy seaman at 22-anyos na dilag na isang Finnish na ang taglay na kagandahan ay pang-beauty queen.




Kamakailan nga lamang ay naging tampok sa programang “Kapuso Mo Jessica Soho” ang istorya ng pagkakakilala ng isang pang beauty queen sa gandang Finnish na si Jasmine, at ng dating Pinoy seaman na si Bryan.

Photo Credit: jasmina_calonia/Instagram

Ayon nga sa kwento ni Jasmina, siya ay mula sa bansang Finland at ang kanyan mga magulang doon ay nagnenegosyo ng circus.

Photo Credit: jasmina_calonia/Instagram

Nakilala niya umano ang kanyang nobyong si Bryan na mula sa Agusan Del Sur, ng maisipan niyang mag-ikot sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Photo Credit: jasmina_calonia/Instagram

Kwento naman ni Jasmina, kahit na marami ang nag-gagandahan sa kanya, ay aminadong siyang may insecurity rin siya sa kanyang sarili. Minsan na rin siyang nakatanggap ng mga hindi magagandang komento tungkol sa kanyang hitsura, noong siya ay naroon pa sa kanilang bansa.

Photo Credit: jasmina_calonia/Instagram

Samantala, ang kanyang nobyo namang si Bryan ay aminado na sa kabila ng hindi naman siya gaanong kagwapuhan ay may pagka babaero siya noon. Ngunit, mula umano ng kanyang makilala si Jasmina hanggang sa naging kasintahan na nga niya ito, ay hindi na siya tumingin pa sa ibang babae.

Photo Credit: jasmina_calonia/Instagram

Dalawang buwan umano ang naging pagliligawan ng dalawa bago nga sila nagkaroon nagkaroon ng relasyon. Hiniling naman ni Jasmina sa nobyo niyang si Bryan na huwag na ito sumampa ng barko, na pinagbigyan rin naman ng binata.

Photo Credit: jasmina_calonia/Instagram

Saad ni Jasmina, hindi na niya pinabalik pa sa pagsi-seaman si Bryan dahil sa nangangamba siya na baka may makilala pa itong ibang babae.
Dating bartender sa isang cruise ship si Bryan, kung saan ay doon niya rin nakikilala ang magandang Finnish na dilag.

Video Credit: Jim Bryan Beray/YouTube

Sa ngayon nga ay masayang namumuhay na magkasama sina bRyan at Jasmine sa Cebu.
Marami naman ang napa-sana all, lalo pa nga’t napakagandang dilag nga naman ang bihag ni Bryan.




At ang iba nga ay nais malaman kung anong diskarte ang ginawa ng binata para mabihag ang puso ng 22-anyos na Finnish na dilag. Ang buong kwento nga ng kanilang naging matamis na pag-iibigan ay ini-ulat sa “Kapuso Mo Jessica Soho”, sa GMA-7 network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *