Isang Fishball Vendor Na Ama Napagtapos Ang Kanyang Apat Na Anak Sa Kolehiyo

Lahat nga naman ng sakripisyo at paghihirap ay kayang gawin ng isang magulang, para lamang masiguro na mabibigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang anak. Lalo na ang mabigyan ang mga ito ng mataas na edukasyon, na magiging daan upang ang kinabukasan ng mga ito ay maging maayos.




Kagaya na nga lamang ito ng isang ama, na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media, dahil sa kanyang kasipagan. Kung saan ay matiyaga at buong sipag siyang naghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng iba’t ibang street foods, upang sa kabila ng kahirapan ay mairaos niya ang pag-aaral ng kanyang apat na mga anak, at mapagtapos niya ang mga ito sa kolehiyo.

Image Credit via Google

Ang kwento ngang ito ng sakripisyo ng naturang ama, ay patunay na kailanman hindi magiging hadlang ang kahirapan sa isang taong marunong magsumikap sa buhay.
Dahil nga sa naging sakripisyo, kasipagan at tiyaga ni Tatay, ay matagumpay niyang napagtapos sa kolehiyo ang kanyang apat na anak.

Image Credit via Google

Nagsimulang magtrending ang kwentong ito, ng ibahagi ng isang proud na anak sa kanyang Facebook post, na kinilalang si Girlie Versoza ang kasipagan at pagpupursige na ginawa ng kanyang mga magulang upang silang apat na magkakapatid ay magtapos sa kolehiyo.
Sa post rin itong ni Girlie, ay ibinahagi niya ang pasasalamat sa kanyang mga magulang, na nagtaguyod sa pag-aaral nilang magkakapatid hanggang sa sila nga ay matagumpay na makapagtapos.

Image Credit via Google

“Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko… Alam ko po na marami kayong gutom na tiniis… Maraming panghihiya ang pinaraya… maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahiilo na… puyat at pagod na… pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral… Maraming maraming salamat po…”

Image Credit via Google

Ayon pa nga sa kwento ni Girlie, dahil sa fishball vendor ang ikinabubuhay ng kanyang mga magulang ay madalas silang nakakaranas noon ng pagpapahiya ng kanilang mga kaklase. Ngunit, dahil sa pinalaki sila ng kanyang mga magulang sa mga mabubuting payo at pangaral, ay natutunan nilang magkapatid na balewalain lahat ng ibinabatong pagpapahiya at pang-iinsulto sa kanila.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ni Girlie sa kanyang Facebook post ang madalas na ipayo sa kanila ng kanyang ama. “Anak, kung anong meron ka wag mo ikahiya… wag mong ipilit na mag-astang mayaman para lang kaibiganin ka ng ibang tao… maging natural ka lang”, ang payo umano lagi kana Girlie ng kanyang ama.




Ngayon nga ay matagumpay ng nakapagtapos sa kolehiyo si Girlie at ang kanyang iba pang mga kapatid. At ipinagmamalaki ni Girlie ang pagiging anak niya ng Fishball vendor, dahil ito ang naging hanap-buhay ng kanyang mga magulang upang silang magkakapatid ay mabigyan ng magandang edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *