Isang Full Time Mom At CEO Ng Sariling Beauty Center Ang Dating Teen Star Na Si Vanna Garcia

Si Vanna Garcia ay ipinanganak noong ika-21 ng Marso taong 1987, at sa kanya ngang murang edad ay agad siyang napasabak sa pag-aartista. Hindi naman kataka-taka na agad makapasok sa indutsriya ng showbiz si Vanna lalo pa’t may mga katangian talaga siya na pang-artista at ito nga ay ang kanyang pagiging mestiza, maganda at mahusay sa pag-arte.




Matatandaa na unang nakita sa telebisyon si Vanna ng mapabilang siya sa T.G.I.F o “Thanks Got It’s Friday” isang programa na mapapanood noon sa GMA-7 network. Kasama niya sa naturang palabas na ito ang ilan din sa mga mahuhusay na teen star noon na sina Angelu de Leon at Anne Curtis.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Ikinagulat naman ng marami ng lisanin ni Vanna ang mundo ng showbiz, ito nga ay dahil sa siya ay mayroong matagumpay at makulay na karera.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Ayon sa ilang mga ulat, noong nag-aartista pa si Vanna ay itinuloy niya ang kanyang pag-aaral ng kursong may kinalaman sa “interior design”. Hindi naman inasahan ng lahat na sa edad na 20 ay mabubuntis ang aktres.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Nagdesisyon si Vanna na huminto sa pag-aartista ng matapos na niya ang kanyang kursong kinuha, ito nga ay upang pagtuunan ng pansin ang pamilya kanyang binuo.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

“After I had my second child at around 23 or 24, I said that I needed time off for my family. Show business has a very erratic schedule, so I studied. I took up interior design, and then after that I wuit showbusiness”, ang naging pahayan ni Vanna ng siya ay makapanayam.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Kahit naman wala na sa mundo ng showbusiness ay naging produktibo naman si Vanna sa ibang bagay. Siya ay nagtayo ng isang beauty clinic dahil sa kanyang hilig sa pagpapaganda na nais nga niyang maibahagi rin sa iba.

Ayon kay Vanna, itinayo niya ang isang aesthetic clinic nung kasagsagan na nagsisimula ng pumatok sa ating bansa ang mga beuty spa. At saad pa niya, dahil isang doktor ang kanyang cousin-in-law ay mas napadali ang pagbubukas niya ng isang clinic dahil sa ito nga ang naging gabay niya sa negosyo.




Patuloy pa rin namang umaani ng paghanga mula sa mga netizens si Vanna kahit na siya’y hindi na isang artista, ito nga ay dahil sa hinahangaan ng marami sa kanya ang kanyang pagiging magandang ehemplo dahil sa kaila ng pagiging isa na niyang CEO ngayon ng sarili niyang negosyo ay nagagawa pa rin niyang maging isang mabuting asawa at ina sa tatlong anak nila ng kanyang mister na panay lalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *