Isang Grade 11 Student Hinahangaan Dahil Kahit Namamasada Ay Nagagawa Pa Rin Maisingit Ang Pagmo-Module

Kamakailan lamang ay naging viral ang isang 21-taong gulang na Grade 11 student na kinilalang si Michael Jabal dahil sa kanyang ipinamalas na kasipagan. Ito ay matapos ngang kumalat sa social media ang larawan ng binata habang ipinapamalas ang kasipagan, hindi lamang sa paghahanapbuhay kundi maging pagdating sa kanyang pag-aaral.




Ang video ni Michael na kumalat sa social media ay kinunan ni Markiel Moriel, isang MMDA Traffic Enforcer. Sa video ngang ito ay makikita ang naging pagpapamalas ni Michael ng kanyang kasipagan sa pag-aaral, habang isinasabay nga nito ang pamamasada niya ng tricycle. Makikita sa video na habang wala pa ngang pasahero ang binata, at abala itog nagsusulat sa yellow pad paper ng kanyang mga aralin sa module.

Image Credit via Google

Base sa lumabas na ulat, kapag walang klase sa kanyang online class si Michael ay namamasada ito ng tricycle upang kumita.

Image Credit via Google

Ayon sa MMDA Traffic Enforcer na si Markiel, nung una ay inakala nga niyang nagpapataya ang binata, kaya naman biniro niya pa ito, at doon nga niya nalaman na ang sinusulat nga nito habang nasa pila ng tricycle at naghihintay ng pasahero ay ang kanyang mga assignment o aralin kaya naman talagang kinabiliban niya ang kasipagan ni Michael.

“Nakaka-amaze naman itong batang to kasi sa kabila ng naranasang kahirapan sa buhay nakukuha niyang pagsabayin yung online class then namamasada po siya”, ang naging pagbabahagi ni Markiel.

Napag-alaman naman ni Markiel, na dahil nga sa kinakaharap natin na krisis ngayon ay matumal din ang kinikita nni Michael sa kanyang pamamasada ng tricycle, kung saan sa isang araw nga umano ay umaabot lamang ng P200 ang kinikita nito, na kung iisipin ay kilang pa para sa mga gastusin.

Napag-alaman rin niya na ang nais ni Michael sa hinaharap nito ay ang maging isang sundalo, at kitang-kita naman sa ipinapamalas na kasipagan niya kung gaano niya pinapahalagahan ang bawat oras upang mabigyan ng katuparan ang pangarap niya sa buhay.




Sa kabila naman ng kahirapan ng buhay ay hindi naman napanghihinaan ng loob si Michael, bagkus ay mas lalo pa nga itong kumakayod at nagsisipag sa kanyang pag-aaral.
“Habang nagkaklase po ako, namamasada po ako. Kapag may time po na wala pong pasahero, sumasagot po ako ng assignment”, saad nga ni Michael ng makapanayam siya ni Markiel.

Leave a Reply

Your email address will not be published.