Isang Hugis Imahe Ni Kristo Nakunan Ng Kamera Sa Kalangitan

Mula noon hanggang ngayon, marami pa rin sa atin ang naniniwala sa milagro at mga aparisyon. Karamihan dito ay mga Kristiyano partikular na ang mga miyembro ng simbahang Katoliko. Marami sa kanila ang nagsasabing nakakakita raw sila ng aparisyon mula sa mga simpleng bagay. Paniniwala nila na nagbibigay ng mensahe ang Diyos sa pamamagitan ng mga aparisyong ito.


Image courtesy Mónica Aramayo




Marami nang mga ebidensya ng mga aparisyon ang mga nakita kahit noon pa man. May mga litrato at ang iba ay galing sa salaysay ng mga saksi. Sa katunayan, ang ibang lugar na pinagkakakitaan umano ng Diyos o ng Birheng Maria ay ginawa nang simbahan ng mga tao roon.

Pero maliban sa mga aparisyon, naniniwala rin ang mga tao na may ibang paraan ang pagpapakita ng Diyos sa mga tao upang magpahatid ng mensahe. Katulad na lamang ng nakuhanan ng isang netizen na si Monica Aramayo mula sa kalangitan. Si Monica ay naninirahan sa San Salvador de Jujuy, Argentina. Nasaksihan ni Monica ang isang kahanga-hangang pangyayari sa kanilang lugar.

At bilang isang henerasyon na mulat na sa modernong teknolohiya, kinuha niya ang kanyang camera at kinunan ng litrato ang kalangitan. Makikita sa kanyang litrato ay ang sinag ng araw mula sa mga ulap. Kung inyong mapapansin, tila isa itong malaking tao at kahawig ni Hesu Kristo.

Katulad ng mga nakikita natin sa mga larawan ni Hesu Kristo, ang hugis ng ilaw at ang ulap ay tila si Hesu Kristo na nakabukas ang armas at tila gustong yakapin ang sanlibutan. Mukhang nakasuot rin ito ng sutana at may korona sa itaas ng kanyang ulo. Kung inyo nang nakita ang estatwa ng “Christ the Redeemer” sa Brazil, ganoon ang itsura ng larawan na nakuha ni Monica.

Naniniwala si Monica na ito ay isang mensahe na gustong ipaabot ng Diyos sa sanlibutan: magpursige upang makamtan ang kapayapaan. Hindi rin syempre mawawala ang mga taong hindi naniniwala sa litrato at sinabing nagkataon lamang ang lahat. May mga nakapagsabi rin na maaaring peke ang litrato ngunit mariing sinabi ni Monica na hindi niya inedit ang litrato.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *