Kamakailan lamang ay pumukaw sa pananaw ng marami ang isang ama, na buong tiyaga at pagmamahal na inaalagaan ang kanyang anak, kasabay ng kanyang pagtatrabaho.
Nag-viral nga sa social media ang larawan na ito ng isang ama,
na makikitang nagtatrabaho sa isang kusina na tila isang cook, at ang mas naging agaw-pansin sa mata ng mga netizens, ay habang ginagawa nito ang kanyang mahirap na trabaho, ay kasa-kasama niya at pasan-pasan niya ang kanyang anak, na tila nasa isa o dalawang taong gulang pa lamang.

Ang ama ngang ito na nasa nag-viral na larawan ay kinilalang si Vinz Manalo Bobo, mula sa Puerto Princesa, Palawan at nagtatrabaho bilang kusinero sa Palawan Adventist Hospital.
Takang-taka marahil ang marami sa atin, kung bakit sa kabila ng alam ni Vinz na nakakapagod at delikado ang kanyang trabaho sa kusina, ay bakit nagawa pa rin nitong isama ang kanyang anak na napakabata pa nga. Kung saan ginagawa nga niyang pagsabayin ang pagtatrabaho, habang inaalagaan ito na naka-pasan sa kanyang likuran.

Kwento naman ni Vinz, kaya umano niya nagawang isama ang anak niya sa trabaho, ay dahil sa walang magbabantay dito. Dahil ang kanyang asawa, ay dinala sa klinika ang kanilang sanggol pa lamang na anak. At dahil nga wala namang ibang mapag-iiwanan sa kanilang isa pang anak, ay minabuti ni Vinz na isama na lamang ito, upang siya ang magbantay at mag-alaga rito.

Sa mga larawan ng ani Vinz na nag-viral sa social media, ay makikita na habang siya’y abala sa gawain sa kusina, tulad ng pagluluto, ay nasa kanyang likuran naman ang anak, at nakalagay sa isang baby carrier. Kung kaya, kahit saan nga magpunta si Vinz, ay kasa-kasama niya ang kanyang anak.
Naantig naman ang puso ng maraming mga netizens ng makita nila ang viral na larawan na ito ni Vinz, dahil sa talaga namang ipinakita ng naturang ama na bilang isang ama, ay makakaya nito ang kahit gaano kahirap na mga sitwasyon, katulad na nga lamang ng pagsabayin ang trabaho at pag-aalaga ng anak.
Pinatunayan naman ni Vinz, na tunay ngang kahit anong sakripisyo at pagtyatiyaga ay kayang gawin ng isang magulang para sa kanyang anak. Sa kabila nito, hindi naman naiwasan na marami ring mga magulang ang mag-alala para sa kaligtasan ng anak ni Vinz, lalo pa nga’t batid natin na hindi nga naman ligtas para sa isang bata ang nasa kusina, kung saan ay maraming aksidente ang maaring hindi inaasahang mangyari.