Isang Kasal Ang Nag Viral Matapos Kagiliwan Ng Mga Netizens Ang Mga Lola Na Naging “Flower Lola’s”

Madalas nga naman na kagiliwan sa mga kasal ang mga maliliit at magagandang batang babae sa nasabing okasyon na nagsisilbi ngang mga flower girl. Ngunit nito nga lamang nakaraan ay may isang kasalan ang naging agaw pansin sa social media,




dahil imbis na mga batang babae ang magsilbing flower girl ng bride sa napakahalagang okasyon ng kanyang buhay, ay makikitang ang kanyang mga minamahal na lola ang nag-martsa sa aisle at naging mga “flower lola’s” niya sa kanyang kasal.

IMage Credit via Google

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng naturang bride na mula sa Davao del Norte na si Ronna Uy-Canete ang kuwento patungkol sa kanyang naging post sa kanyang Facebook account, kung saan nga makikita ang kanyang mga “flower lola’s”.

IMage Credit via Google

Ayon sa kanya, siya’y ikinasal noong ika-15 ng Mayo ng kasalukuyang taon sa Sagrado Corazon de Jesus Nazareno sa Tagum City, at ang mga dumalo nga lamang ay ang kani-kanila lamang pamilya ng kanyang napangasawa.

IMage Credit via Google

Pagbabahagi niya, hiniling niya talaga sa kanyang dalawang lola na ang mga ito ang maglakad sa aisle sa araw ng kanyang kasal, kung saan ay talaga namang na-excite umano ang mga ito ng malaman na magiging kagaya sila ng mga flower girls.

Ang dalawa ngang lola niyang ito na kanyang naging mga flower lola’s ay ang kanyang Lola Estrealla Uy at Lola Nena Oquias na parehong nasa edad 75-taon na. Kitang-kita nga sa larawan na kuha sa naging kasal ni Ronna, kung gaano naligayahan ang kanyang mga lola ng maglakad ang mga ito sa aisle sa araw ng kasal ng kanilang apo.

Ibinahagi rin ni Ronna na sobra siyang malapit sa kanyang mga lola dahil halos ang mga ito ang nagpalaki at nag-aruga sa kanya. Dagdag pa niya, labis siyang ipinagmamalaki at sinusuportahan ng mga lola niya,




dahil siya ang kauna-unahang apo ng mga ito na ikakasal. Labis nga ang kasiyahan ng kanyang mga lola ng malaman ng mga ito na siya ay mag-aasawa na at magkakaroon na ng kanyang sariling pamilya.

Para nga kay Ronna ay talagang napaka-memorable ng kanyang kasal, lalo na’t hindi lamang siya ang nasiyahan kundi maging ang kanyang mga lola na masayang masaya rin para sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *