Isang Lalaki Na Natutulog Sa Kalsada Ang Nakatanggap Ng Tulong Mula Sa Aktres Na Si Heart Evangelista

Si Heart Evangelista o sa tunay na buhay nga ay isa Love Marie Ongpauco, ay isang kilalang aktres sa industriya ng showbiz sa Pilipinas, maliban pa dito ay sikat at popular din siya bilang isang fasion icon sa loob at labas ng ating bansa, dahil sa angking galing sa pagdadala ng kasuotan. Talaga namang ang lahat ng mga OOTD’s niya ay hinahangaan ng marami.




Samantala, hindi lamang sa pagiging isang aktres at fasion icon hinahangaan ng marami si Heart, dahil mas naging kahanga-hanga sa kanyang mga tagasubaybay ay taglay na kabutihan ng puso nito, hindi lang sa kanyang kapwa, kundi maging sa mga hayop partikular na nga sa mga asong Pinoy o aspin.

Image Credit via Google

Para kay Heart, tulad ng ibang mga may ‘breed’ na aso, ay nararapat din na mahalin natin ang mga aspin. Sa katunayan pa nga, siya mismo ay may alagang Aspin.

Image Credit via Google

Labis nga naman ang pagmamahal ni Heart sa kanyang mga alagang aso, kaya naman kapag may isa man na nawawala sa mga ito, at puspusan talaga ang kanyang ginagawang paghahanap, kung saan ay personal pa nga niyang ginagawa ng paghahanap kahit na susyurin pa niya ang mga kalsada malapit sa kanilang tahanan.

Image Credit via Google

At sa minsan ngang paghahanap ng aktres sa kanyang mga alaga, ay nadaanan nito ang isang lalaki na sa kalsada lamang naninirahan, at ito nga ay kinilala niyang si Mang Jun.
Ayon sa ulat, noong ika-18 ng Nobyembre noong nakaraang taon,

Image Credit via Google

nakilala ni Heart si Mang Jun habang kanyang binabagtas ang Gilmore Avenue sa Quezon City, dahil sa hinahanap niya ang nawawala niyang aso na si Casper. Nadaanan umano ni Heart si Mang Jun sa may tabi ng kalsada na kumakain ng hapunan nito.

Image Credit via Google

Naging kapansin-pansin naman kay Heart na habang kumakain si Mang Jun, ay may mga kasalo ito sa kanyang pagkain, at ito nga ay ang mga alaga niyong aso. Hinituan ito saglit ng aktres, dahil halos wala namang tao masyado sa puwesto ni Mang Jun, at nakipagkuwentuhan nga siya rito.

Noong gabi ring iyon ay ibinahagi ni Heart sa kanyang Twitter account ang larawan ni Mang Jun, at sa inilagay nga niyang caption nito ay sinabi niya na kung sino man ang madadaanan si Mang Jun, ay batiin ito dahil sa inspirasyon ang hatid nito.

Sa naging puspusan naman na ginawang paghahanap ni Heart sa alaga niyang si Casper, ay nakita rin niya ito kalaunan. Samantala, wala namang kamalay-malay si Mang Jun na ang aktres na si Heart Evangelista pala ay nakipag-ugnayan sa PAWSsion Project, upang mabigyan sila ng kanyang mga alaga ng maayos na matutuluyan.

Para sa kaalaman ng lahat, ang PAWSsion Project ay isang non-profit organization na sumasaklolo sa mga asong inaabuso ng ibang tao, o di kaya naman ay yung mga asong walang matirhan, at ito nga ay nakabase sa Bacolod.

At dahil sa bibihira nga ang katulad ni Mang Jun na kumukupkop ng mga asong lansangan kahit pa ito’y nakakararanas ng labis na kahirapan ay nakipagtulungan nga si Heart para ito at kanyang mga alagang aso ay mabigyan ng tulong.

Noon ngang ika-1 ng Disymebre ay sinorpresa nila si Mang Jun, kung saan ay kanila itong dinala sab ago nitong magiging tahanan. Hindi naman napigilan ni Mang Jun na maging emosyonal,

dahil para sa kanya ay isa ng napakalaking biyaya ang magkaroon sila ng maayos na masisilungan ng kanyang mga alaga. Maliban pa nga sa bahay ay pinagkalooban rin si Mang Jun ng mga applianes na kanyang magagamit sa araw-araw.

Makikita naman sa social media account ng PAWSsion at ni Heart ang naging pagbabahagi nito ng mga larawan ni Mang Jun na naging emosyonal nga dahil sa mga tulong na kanyang natanggap sa tulong ng aktres na si Heart Evangelista.




Lubos namang pinasalamatan ni Heart ang grupo na tumulong sa kanya, upang mabigyan ng katuparan ang kahilingan ni Mang Jun na magkaroon ng maayos na masisilungan para sa kanila ng kanyang mga alaga.

Masasabi nga naman natin na tunay na bagay sa aktres ang kanyang pangalan na Heart o Love Marie, dahil punong puno nga naman ng kabutihan ang kanyang puso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *