Isang Lola Mula Cavite Tinanggihan Ang Mga Alok Ni Raffy Tulfo Kapalit ng Munting Kahilingan

Masarap makatanggap ng tulong mula sa ibang tao lalo na at kung walang-wala ka na talaga sa buhay. Pero sa katunayan, mas masarap ang magbigay sa mga taong nangangailangan. Siguro naman ay may mga tao na tayong nabigyan ng tulong kahit sa ating mumunting mga paraan lamang? Masarap sana tumulong kaso sadyang may mga tao talagang abusado na kapag alam nilang may kaya ka, huhuthutan ka ng malaki.




Ngunit tila iba yata ang pananaw ng isang pulubing matanda pagdating sa ganiyang bagay. Tinanggihan ni Lola Norma ang malaking tulong na inaalok ni Raffy Tulfo sa kaniya at talagang gusto niya lamang makamit ang kaniyang kaisa-isang hiling.

Tumungo kasi si Lola Norma sa opisina ng TV5 para makita ang kanyang idolong si Raffy Tulfo. Mula Silang, Cavite, tinahak niya ang Metro Manila para lamang humiling kay Raffy Tulfo ng simpleng bagay: cellphone na may TV. Ayon kasi kay Lola, palagi niya na lamang naririnig si Raffy Tulfo sa pamamagitan ng kanyang radyo na 15 anyos na niyang ginagamit. Sira na raw ito kung kaya’t nais niyang humiling kay Raffy ng cellphone na may TV upang sa gayon ay mapanuod niya pa ito ng mas maayos.

Nalaman ni Raffy na ang ating ikinabubuhay ni Lola Norma ay ang namamalimos sa palengke at sa terminal. Nang malaman ito ni Raffy, inalok niya si Lola Norma ng isang television set ngunit tinanggihan ito ng matanda dahil wala naman raw siyang kuryente sa kanilang tahanan. Inalok niya rin ang matanda ng tindahan upang may pangkabuhayan ito ngunit sa pangalawang pagkakataon ay tinanggihan ulit siya ni Lola Norma dahil noong panahong nagka tindahan raw siya ay palagi lang raw inutang ng mga tao ang kanyang paninda.

200 daan lamang raw sa isang araw ang kanyang kinikita sa namamalimos na sakto lang naman upang makabili siya ng gusto niyang prutas. Sa pangatlong pagkakataon, inalok ni Raffy na bigyan ng prutas ang matanda at sa muli, tinanggihan niya ito na baka raw mabulok lang ang prutas kapag sobrang dami ang binigay ni Raffy Tulfo sa kaniya.

Sinabi rin ni Raffy na nais niyang bigyan ng bigas si Lola para raw makapagluto siya ngunit tumanggi ulit ito dahil bumibili raw siya ng lutong pagkain at hindi na siya nagluluto sa kanilang bahay. At para madagdagan ang kanyang hiling, sinabi ni Raffy na binigyan niya raw ng isang libong piso si Lola Norma para may pamasahe ito pauwi ngunit laking gulat niya nang tanggihan ulit ito ni Lola Norma.

Ayon kay Lola Norma, napakalaking halaga raw nito at kung tutuusin nga raw ay sapat na ang P100 para sa kaniyang pamasahe pauwi sa kanila. Sa huli, binigyan ni Raffy ng P2500 ang 87 taong gulang na matanda ng patago sa kanyang bag.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *