Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang lalaki dahil sa post niya patungkol sa pinakamainit na usapin ngayon sa ating bansa at ito ay ang pangtustos sa pamilya ng bawat Pilipino sa gitna ng nagaganap na krisis ngayon dahil sa krisis.
Batid ng marami sa atin na milyon-milyon na mga pamilyang Pilipino ngayon ang sobrang apektado ng krisis, at dahil nga rito ay naglabas ang pamahalaan ng isang programa na magbibigay ng kaunting tulong o ayuda para sa mga sobrang apektado ng pandemic ngayon.

Ngunit batid din natin na hindi lahat ng pamilyang Pilipino ay kayang suportahan ng ating gobyerno kaya naman maraming mga Pilipino ang naglalabas ng kanilang hinaing sa gobyerno ngayon sa social media man o telebisyon.

Sa kabila naman ng ilang mga kababayan natin, na puro hinaing sa gobyerno ang ginagawa ay mayroon naman tayong mga ilang kababayan na imbis na umasa sa ayuda na ibibigay ng gobyerno ay gumawa ng sariling diskarte sa buhay upang matustusan pa rin ang araw-araw na gastusin ng pamilya sa kabila ng kinakaharap na krisis.

Isa na nga sa mga kababayan nating ito si Reynaldo Pepito. Sa kanyang social media account ay nagbahagi si Pepito ng kanyang naging diskarte sa buhay sa panahon ng krisis upang may maitustos sa kanyang pamilya kahit pa walang ayuda na mula sa gobyerno, kung saan ay agad na nag-viral ang post niyang ito.

Sa kanyang post nga ay makikita ang ilang papel at baryang pera na mula sa perang naipon niya sa kanyang hanap-buhay, makikita rin dito ang ilang larawan na nagpapabatid ng hanap-buhay na pinagkikitaan ngayon ni Pepito.

Tulad na lamang ng larawan, na nagpapakita ng napakarami niyang ani ng mga pinya at isang larawan na nagpapakita naman na mayroon siyang Buy and Sell junk shop kung saan ay binibili ang mga kalakal tulad ng bote, karton at bakal.
=Mababatid nga natin sa ginawa ni Pepito, na importante sa buhay ng tao ang diskarte dahil isa ito sa mga magiging sandata mo upang malagpasan ang mga pagsubok sa buhay tulad na lamang ng krisis na nangyayari ngayon.