Isang Nakakaawang matanda Na Nakatira Sa Mistulang Kulungan Ng Manok

Marami sa atin ang madalas magreklamo sa buhay. Marami sa atin ang tila ba hindi pa kuntento sa kung ano ang mayroon tayo. Lingid sa ating kaalaman, may mga tao pa lang hinahangad ang mga simpleng bagay na mayroon tayo. Hindi naman kasi lahat sa atin ay may kakayahang bumili ng mga bagay kahit mga simpleng gamit pa iyan. Hindi rin lahat sa atin ay ipinanganak na mayaman kung kaya’t marami sa atin ang hindi nakakakuha ng maayos na edukasyon dahilan upang manatili tayong mahirap.


Image courtesy from Xylenejoy Siarot facebook account




Kung iniisip mong hindi ka pa kuntento sa kung anong meron ka, tingnan mo na lamang at kalagayan ng isang matandang ito na nakatira sa tila’y kulungan ng manok. Sa Barangay Tominobo, Baryo Tabay 2 sa Iligan City, makikita ang isang kaawa-awang matanda na nakatira sa isang kahoy na kahon. Binahagi ng netizen na si Xylenejoy Siarot ang litrato ng kaawa-awang kalagayan ng matandang nakatira sa isang kahoy na kahon.


Image courtesy from Xylenejoy Siarot facebook account

Kung inyong titingnang mabuti, ang kahon ay may habang limang talampakan, 2 talampakan ang lapad at may taas na 3 talampakan. Eksakto lamang ito upang makahinga ang matanda ng maayos at makaupo kung kanyang gugustuhin. Nagmistulang Mang dingding ang mga sako ng bigas na nakasabit sa paligid ng kahon upang kahit papaano ay may pang takip siya. Para naman maproteksyunan siya sa init ng araw at sa ulan, naglagay siya ng pinagtagpi-tagping yero sa ibabaw nito.

Ito na ang kanyang tahanan. Walang kapitbahay ang matanda at mukhang wala rin itong mga damit. Sa katunayan, tila wala nga itong suot na shorts nang siya’y makunan ng litrato. Wala ring asawa at mga anak ang matanda. Bahagi ito ni Xylene upang humingi ng tulong sa mga netizen para sa kalagayan ng matanda. Sa kasalukuyan ay nag-viral na ang kaniyang post at ngayon ay humihingi pa rin sila ng tulong sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa pamamagitan ng Facebook.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *